Chapter 4

4.2K 211 14
                                        

First Day

Frhaze's POV:

"Ms. Jhenzen, Sir Kagunuchi is looking for you. Puntahan mo na ang init pa naman ng ulo." Nagulat ako sa biglang sinabi ng kasamahan ko sa trabaho.

"Bakit daw?" Nagtataka kong sabi, wala naman akong ginawang masama. First day ko ngayon, tapos may kapalpakan ako agad, that's f*cking impossible.

"Hay naku, puntahan mo na lang. Hindi mo alam kung paano magalit si boss." Kinakabahang sabi nito at itinulak pa ako. Wala akong nagawa kundi ang maglakad papunta sa opisina ni boss. Nakita ko si Row sa desk niya. Ngumiti ito sakin. I smiled back.

"Pinapatawag daw ako ni boss?' Tanong ko dito.

"Yeah, pumasok ka na lang. Goodluck." Natatawa pa nitong sabi at kinabahan talaga ako dahil parang may hindi magandang mangyayari sakin. I knocked at the door.

"Come in." Malamig ang boses na sabi nito, f*ck bakit ba nakakatakot ang lalaking ito. Ang gwapo pa naman sana, pero kung makapagsungit parang pinaglihi sa ampalaya, ang pait niya. Agad kong binuksan ang pinto at pumasok.

"Sir, hinahanap daw po ninyo ako?" Kinakabahan kong sabi. But I faced his expressionless face.

"What the f*ck is this?" Nagulat ako sa biglang pagtapon nito ng file sa harap ko. "Do you really know, what are you working at? You can't make a proper report, just a simple report." Sigaw pa nito na ikinapitlag kong muli. Napayuko na lamang ako, f*ck, I never been humiliated like this before. Paano ko ba naman magagawa ng maayos ang report na sinasabi nito, kaninang umaga ko pa lamang na receive ang memo at deadline agad ng ala una. F*ck it, halos hindi na ako naglunch para lang matapos ko ang report na iyan. "Kahit grade school, kayang gawin iyang ginawa mo. Hindi biro ang trabaho mo dito, Ms. Jhenzen. Sayo nakasalalay ang update ng lahat ng security system sa aking kompanya. F*cking make your work worth, or else, I'll fire you. Ulitin mo iyan, ibigay mo sakin before you go home." Malamig pa rin ang boses niya. Napatango na lamang ako, gusto ko nang umiyak pero hindi ko magawa. Hinding hindi ako magpapakita ng kahinaan lalong lalo na sa lalaking ito.

"Are we clear, Ms. Jhenzen?" Walang emosyon na nitong sabi.

"Yes sir, huwag po kayong mag-aalala, aayusin ko na po ito." Sabi ko na lamang, and I am so proud of myself, na hindi man lang ako pumiyok sa pagsasalita.

"You may go." Mahina na nitong sabi. Nagmamadali akong tumalikod dahil nagbabadya na ang mga luha kong tumulo. Hindi ko na pinansin si Row at nagmamadali akong pumunta sa Comfort Room. Hindi ko namalayang namalisbis na ang mga luha ko. Naiinis kong pinahid ang mga luha ko. F*ck, kailan pa ba ako naging balat sibuyas. I looked at myself in the mirror, tinanggal ko ang sout kong salamin. F*cking sh*t, this is not me. Hindi naman ako madaling umiyak, nakakainis, para kasing ang laking impact ng galit ng lalaking iyon sakin.

"Being weak is not you, farinel, so cut it off." Pagkausap ko sa sarili ko. Inayos ko na ang sarili ko at lumabas. Wala naman akong pakialam kung pinag-iinitan ako ng boss ko, all I care is about my mission.

Agad kong hinarap ang computer at sinimulan ang bago kong report. Sisiguraduhin kong maayos at mapapahiya ang walang modo kong amo sa gagawin ko. Pang bata pala ah, pwes tingnan naman natin kung anong comment niya sa military base report ko. Ilang sandali pa natapos ko na din, tumayo ako at nag-inat, f*ck, my back is hurting. Ilang oras ba akong  naka-upo, pagtingin ko sa wrist watch ko ay napatanga ako. Nagkukumahog akong naglakad pabalik sa office ni boss, office hour is already done. Mahigpit pa namang ibinilin samin na wala na dapat kahit na isang empleyado sa building pagsapit ng alas-singko. And it's already 6:00 in the evening.

BETS2: Lost Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon