Chapter 16

3.2K 120 8
                                    

In his Arms

Frhaze's POV:

I felt someone is watching me, kaya dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. At wala sa sariling napatitig ako sa mukha ni Draven. He is smiling at me.

"Hi, it's already lunch, I brought you some food." He said casually like nothing happened a while ago that almost give me a goosebumps. Napatingin ako sa hawak niyang tray. Agad na naglaway ang bagang ko as I looked at the food. Rice with chicken cordon bleu, roast beef and a cold icy tea, it's Lemon Tea, my favorite. Napalunok pa ako at parang gusto ko ng sunggaban ang pagkain.

"Here, let me serve you." Napatigagal na lamang ako at hindi nakatutol when he put the tray at simulan akong subuan. Napatitig lang ako sa nakaumang na kutsara sa harap ko. God, this is not me, kailan pa ako naging speechless, kainis. "Say ah." Napatitig ulit ako sa kanya at wala sa loob na ibinuka ang bibig ko. "Good girl! Isa pa." Susubuan niya sana ulit ako pero pinigilan ko na siya.

"K-kaya ko naman. You don't need to do this." Inagaw ko ang kutsara sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain.

"Alright, masarap ba?" He asked sweetly while watching me eat, nakakailang actually. Tahimik na lamang akong tumango at hindi siya pinansin. Pero ramdam ko talaga ang titig niya. Nag-angat ako ng paningin and I am right he really watched my movement. Ngumiti lang siya at hindi man lang nahiya na nahuli ko siyang nakatingin.

"Staring is rude, Draven." Hindi ko napigilang turan, ikinibit lang nito ang balikat at ngumiti. Oh God, muntik na namang malaglag ang puso ko sa ngiti niya. Bakit ba kasi mas lalo siyang nagiging pogi kapag ngumingiti siya? Napayuko na lamang ako habang patuloy na kumakain at hinayaan siya. Pero bigla rin akong natigilan dahil itinaas niya ang mukha ko at titig na titig siya, napalunok ako dahil sa kakaibang damdaming nabubuhay sa kalooban ko. "A-anong ginagawa mo?" I asked nervously, ang lakas ng pintig ng puso ko. Inilapit nito ang mukha niya at halos kunti na lang ang space namin. OMG, ito na ba iyon, mararanasan ko na bang mahalikan? Pipikit na sana ako pero agad akong natigilan when he wipes something at the corner of my lips.

"May sauce ka, sayang naman." Halos namula ako sa sinabi niya lalo na sa pagdila nito sa daliring pinangtanggal ng sauce ng chicken cordon bleu sa labi ko. Oh my, he's so damn hot. "Tsk, you're blushing." He smirked.

"H-hindi ah, tigilan mo nga ako!" Inis kong sabi at yumuko ulut para itago ang namumula kong pisngi.

"I like it when you show how affected you are of my mere presence." He said and I glared at him. "Woahh, oo na titigil na ako. Just call me when you're done." Natatawa pa itong tumayo at kinindatan pa siya bago umalis.

"Oh my, what the f*ck happen to my boss sungit? Bakit naman ganoon siya magpakilig?" Hindi ko napigilang hindi ngumiti at parang teenager na napapangiti kapag naalala ko ang kakaibang kislap sa mga mata nito.

After I ate, lumabas na rin ako sa room, hinanap ko siya pero mukhang wala siya sa loob ng bahay. Inilagay ko na lamang ang tray sa kusina and start washing the dishes. Actually, this Villa is really cool, gustong gusto ko ang boung desinyo na parang ako ang nagdesign sa boung Villa. That thing is really weird.

"You should not washed it, I can do that for you." Napapitlag ako sa gulat dahil sa baritonong boses sa likod ko. I automatically turn around and I'm right Draven is really standing a few feet away from me. Nakikita ko na naman ang masungit kong amo, bipolar yata ang lalaking ito, ang bilis magchange ng behavior. One moment he's sweet and now back to sungit mode again.

BETS2: Lost Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon