Photo Frame
Frhaze's POV:
Matapos ang nangyari noong isang araw ay napagpasyahan kong kumilos na at hanapin ang sagot sa lahat ng mga katanungan ko. And here I am, sa bahay ni boss. Naka all black outfit akong muli at sigurado ang mga kilos ko. Walang tao dahil alam kong nasa office pa si boss at nalaman kong nag-iisa lamang siya dito. Umakyat ako ng bakod at tahimik na tumalon. Sinigurado kong hindi ko matatapakan ang security devices na naka install sa pader. Ibang klase ang security devices na gamit sa bahay na ito, ano pa nga ba at siya ang may-ari ng pinakasikat na security company kung bahay niya hindi man lang masecured.
"Aba't, nakakainis ka ah." Palatak ko habang sinusubukan e-decode ang pass code ng terrace door sa mismong kwarto ni Draven. Alam kong ito ang silid ni boss dahil tinandaan ko ito noong papaalis ako sa bahay niya. "F*ck, matapos kong magpakahirap sa finger print, ngayon naman pass code na sobrang hirap e decode. Ano bang meron sa kwarto ng lokong iyon at napakahigpit ng security." Paghihimutok ko pa habang mabilis na tumitipa sa dala kong gadget na ikinabit ko sa security panel ng door. "Malapit na. Sige pa. Kunti na lang. F*ck! Sa wakas!" Impit kong sigaw noong makita kong decoded na. "Tsk, ano ba naman tong lalaking iyon, Sweet Ko and pass code." Napapailing ako habang binabasa ang naboung pass code. "May sweet bones pala si boss sungit kahit papaano." Binuksan ko na ang pinto at muntikan na akong matamaan ng palaso kung hindi ko pa ito nailagan. "F*ck, grabe talaga. Mamamatay ang sinumang magtangkang pasukin ang bahay na ito. But not me." I smirked and walked inside but I immediately stop when I saw the laser beam scattered on the floor.
"Tsk, laser beam na naman." Naiinis kong sabi pero kakaiba ang mga laser beam na nasa sahig sobrang liwanag kulay pulang ilaw nito na para bang kapag hahawakan mo ay masusugatan ka. Kinuha ko ang apple na dala dala ko at iginulong sa sahig. Hindi nga ako nagkamali, it will kill me kapag napadapo ako sa mga laser beam at baka mag trigger pa ng emergency alarm, pira-piraso ang apple na iginulong ko. "I need to find the system panel or else my mission will be a failure again. Kailangan may mapala na ako ngayon." Agad kong nilibot ang kabuuan ng silid hanggang sa namataan ko ang control panel ng laser beam system ng silid pero mahirap makapunta doon, kakailanganin ko na namang mag acrobat nito. Ilang sandali pa ay nag aacrobatic na ako upang iwasan ang mga laser na nakakalat sa sahig hanggang sa nakarating ako sa control panel. "Gotcha, baby." Napangisi ako habang hinahack ko ang control panel hanggang sa namatay na ang boung system at agad na umilaw ang boung silid, napangiti na lamang ako at nagmamadali ng kumilos. Sinimulan kong halungkatin ang mga drawer pero hindi ko naman ginalaw masyado ang mga gamit. I just need to find out something, parang may pakiramdam ako na may mahahanap ako sa silid na iyon. Nagpatuloy ang ginagawa ko hanggang sa mapadpad ako sa side table ng kama, agad ko sanang bubuksan ang drawer noon pero napukaw ang atensyon ko sa photo frame na nasa side table. Hinawakan ko ang larawan at pinagmasdang maigi. Parang sumikdo ang puso ko at hindi ko maintindihan ang biglang pagbilis ng tibok nito. Nakangiting Draven ang nasa larawan habang yakap yakap ang isang babae na nakatingala dito. Hindi niya masyadong mamukhaan ang babae dahil na rin sa naka side view ito, but she looks familiar like she know the girl.Titig na titig ako sa larawan at ramdam na ramdam ko pa rin ang lakas ng tibok ng puso ko. Ano bang meron? Sino ang babae sa larawan? Biglang kumirot ang ulo ko at para itong mabibiyak sa sakit napaupo ako at napasabunot sa buhok ko. Kakaibang sakit ang naramdaman ko sa aking ulo, I closed my eyes and I don't know what happened pero may malabong imahe akong nakita sa aking balintataw. Ako na nakayakap sa isang lalaki at nakasubsub ang mukha ko sa dibdib nito na para bang hiyang hiya ako sa nangyayari.
"Aaaahhh!" Biglang sigaw ko dahil parang hindi ko na yata kayang tagalan ang kirot. Nabitawan ko ang photo frame at sa gulat ko ay nabasag ito. Biglang nawala ang kirot pero nanghihina pa rin ako. Napatingin ako sa photo frame na nasa sahig at nabasag ang salamin. Dadamputin ko sanang muli pero bigla akong natigilan dahil sa tunog ng isang sasakyan. "F*ck! He's here." Napamura kong sabi, wala na naman akong napala dito. Mabilis na akong lumisan at hinayaan na lamang ang larawan sa sahig. Nakita ko pa si Draven na pumasok sa pintuan ng bahay bago pa ako makatalon ng maayos sa bakod. Agad kong tinakbo ang ducatti ko na nakaparada sa may talahiban. Then I hit the road, pero hanggang sa makarating ako sa bahay ay laman pa rin ng isip ko ang larawan.

BINABASA MO ANG
BETS2: Lost Heiress
Action"I don't know who i am, i don't have any memories from the past, but the only thing i know, is i am born to put bad people in jail. I am Farinel Rhaze Jhenzen, the bloody eyed undercover princess." -Frhaze He...