Chapter 3

4.1K 164 10
                                        

The Boss

Frhaze's POV:

"It's all settled then." Sabi ko kay RJ habang nakatingin sa ipinasa kong biodata sa SK company.

"Yeah, naayos ko na ang lahat ng kailangan mo. Isa na lang ang kailangan, ang matanggap ka sa trabaho." Nakangiti nitong sabi. "Anyway, mailap daw ang boss ng SK. Ang tanging nakakalapit dito ay ang pinagkakatiwalaan niyang secretary. Lahat ng transaction sa company ay dadaan muna sa secretary nito." May biglang lumabas na larawan sa monitor, a very beautiful woman but have a very strong aura. "Rowhan Gil Hernandez, Mr. Kagunuchi's most trusted secretary."

"Hmmm, she's a beauty. Hindi kaya, kasintahan niya ang babaeng iyan?" I speculated, imposible namang hindi mahulog ang future boss niya sa ganda ng secretary nito.

"Na ah, you're wrong, pardz. Because I found out that He has a long lost girlfriend for eight years now. At hindi na ito muling nakipag date, he isolated his self to society." Umiiling na sabi nito.

"Tsk, baka naman pangit ang lalaking iyan kaya nagtatago sa lahat at hindi nakikipagkapwa tao." Nakaingos kong sabi.

"Then see it for yourself pardz." Napatingin akong muli sa monitor, biglang nagflash ang mukha ng isang lalaki. Nahigit ko ang aking hininga, f*cking sh*t, he's a Greek god. He's handsome, a perfect face of a prince. He has an aristocratic chin, na parang nililok ng isang napakagaling na manlililok. His eyes is amazing blue, a deep blue, pero parang masasalamin ang kalungkutan dito. What's with his eyes? Napakamesteryoso ang medyo singkit niyang mga mata, idagdag pa ang mahaba nitong buhok na naka pony tail. Mamula-mula at manipis na mga labi, na para bang kay sarap hagkan. Tsk, ano na ba itong iniisip ko. Naipilig ko na lamang ang aking ulo at nagulat sa biglang pagpitik ni RJ sa aking noo.

"F*ck, what the hell. Tss." Hinimas ko ang nasaktang noo, habang tinitingnan siya ng masama.

"Haha, nawala ka kasi sa sarili. Tsk, masyado ka bang na gwapuhan sa lalaking iyan, eh di hamak na mas gwapo naman ako dyan." Nakangisi nitong sabi, inirapan ko na lamang siya. "Alright, as I was saying, that man in the picture is no other than Mr. Draven Flare Kagunuchi. He is the owner of SK company, the sister company of DPM Corp. Kung ikukumpara sa DPM, mas malaki pa rin ang income doon kaysa sa SK. In other words, mas maganda sana kung doon ka makakapasok, ang kaso walang open na position. At hindi sila tumatanggap ng mga manggagawa na tagalabas, the workers of DPM are somewhat related to their family, and as if they are serving a royal family. Sa madaling salita, they are preventing intruders in the family." Mahabang sabi nito.

"Do you know the CEO of DPM?" Tanong ko.

"Yes, it's all over the news world wide. Mr. Zeon Zack Fortaliza, the most influential business tycoon all over the world. Siya rin ang isa sa pinakamayamang tao sa bansa. Bukod sa pag-aari din niya ang Fortaliza Group of Companies, nasa kanilang pangangalaga din ang Lee-Park Technology." Napanganga ako sa mga impormasyong sinabi nito. Napakayaman pala talaga ng mga taong babanggain namin. Pero wala akong sinukuan at kinatakutan na kahit na sino. "Ang hindi ko lang nalaman, ay kung sino ang asawa ni Mr. Fortaliza, pagkat wala pa itong naging appearance sa media." Nakakunot noo ko itong tiningnan.

"Didn't you hack their system?" Tanong ko dito.

"Tss, pardz, diyan ako pumalpak. Hindi ko inaasahan na sobrang higpit ng security ng kanilang system. I've tried but  i always failed, at ang nakakaasar pa, limang laptop na ang nasira dahil sa mga virus na pumapasok every time I tried hacking their system. Napakagaling ng hacker na gumawa ng program protection ng kanilang system. Kung hindi ko pa naisipan na tigilan ang pag hack baka ako na ang na hack, because they tried to look for me, buti na lang agad ko itong napansin. And so I closed my system." Paliwanag nito na ikinagulat ko.

BETS2: Lost Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon