Chapter 8: Masquerade?

4K 150 12
                                    


Chapter 8: Masquerade?


"Ano daw? may masquerade next week?!"

"Oo nga! excited na ako." habang nag lalakad sa hallway puro masquerade ang pinag-uusap nila..

"May masquerade next week Elena!"

"So?"

"Anong so?! kailangan nating pumunta."

"Asiana, ayoko." sabi ko hindi ko hilig ang mga ganyan.

Mabuti na lang kung may grade sasama ako.

Mag u-uwian na pupuntahan lang namin ni Asiana si Ma'am Cruz teacher namin sa AP makiki-usap lang ako kung pwedeng special project na lang ako.

Nasa AP Department na ako ngayon, hinahanap si Ma'am.

Nakita ko si Mam Cruz sa table niya nag che-check ng mga papers.

"Ma'am." sambit ko kaya napatingala siya at tiningnan ako.

"Bakit Ms. Constantino?"

"Scholar po ako ng school na 'to, gusto ko po sanag mag pa-special project dahil hindi ako nakapag report kanina." sabi ko na ikina-tigil niya.

"Anak, iba kasi sa school na 'to ang mga scholar hindi binibigyan ng special projects pero dahil sa hindi niyo naman atang sinasadyang makalimutan ang report niyo, bibigyan kita o kayo ni Nathan ng second chance." pag ka-rinig ko niyan para akong nabuhayan, yes!

"Salamat po, ano pong gagawin ko?"

"Kailangan kasi namin ng estudyanteng mag pe-perform sa masquerade, gusto ko sanang isali kayo ni Nathan sa mag pe-perform sa masquerade." nanlaki naman ang mata ko, ano! mag pe-perform?!

"Pero ma'am, hindi ko kasi hilig sumali sa masquerade--"

"Kung ayaw mo, lumayas ka na sa harap ko."

Argh! bakit kasi ganyan ang pinagawa niya? ang akala ko mag papagawa siya ng project o ano kaso hindi gusto niya kami ni Nathan mag perform.

"Paano po kung ayaw ni Nathan?"

"Hindi na ako mag tataka, hindi talaga sumasali si Mr. Park sa mga ganyang event, pero i-convince him kasi babagsak talaga siya sa subject ko kung hindi siya sasali maaring hindi siya maka-graduate ng grade 10 kaya sana mapilit mo siya."

"Pero pag-ayaw niya talaga, ano pong gagawin niyo?"

"Ibabagsak ko na siya at hahanapan kita ng new partner mo sa sayaw." sabi ni Ma'am kaya napatango ako.

"Sino ba gusto mong maka-partner sa sayaw kung sakaling ayaw ni Mr. Park?"

"Naku, kahit sino naman po okay lang sa'kin." sabi ko

"Sige, simula bukas kailangan mong mag pa-excuse sa subjects mo dahil kailangan mong mag practice para sa sayaw."

"Bukas po? anong oras at saan po?"

"Sa court tayo, pagkatapos ng vacant niyo." sabi ni Ma'am kaya napatango ako.

"Sige po ma'am salamat."

Pag ka-labas ko ng AP Department nakita ko sila Asiana at Bhenidict na naka sandal sa pader.

Lumapit ako sakanila ng may ngiti sa mukha.

"Aba, mukhang may magandang balita akong maririnig." naka ngising sambit ni Bhenidict kaya napa-tawa ako.

"Pumayag si Ma'am, may second chance ako!" sigaw ko kaya tuwang tuwa si Asiana ng marinig yun.

The Long Lost Princess (Re-Writing/Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon