Chapter 7: Failed.

4.1K 160 9
                                    

             Chapter 7: Failed.

"La, aalis na po ako!" sigaw ko habang kumukuha ng sandwich sa table.

"Ingat ka!" pagka-sabi ni lola niyan tumakbo na ako palabas ng bahay.

Na late na 'naman' ako dahil walang alarm na gumising sa'kin dahil naiwan ko nga kila Nathan ang phone ko, kaasar.

Sumakay na ko sa bike ko at mabilis na pinatakbo ito, tiningnan ko ang relos ko at 10 minutes na lang mag-sisimula na ang klase, tsk!

Pag ka-park ko ng bisikleta ko, agad-agad kong kinuha ang bag ko at nag tatakbo papuntang building 5. Halos madapa na ko sa hagdan dahil sa pag mamadali ko.

Napa pikit na lang ako sa sobrang asar ng makitang sarado na ang classroom namin, nag sisimula na ang klase. arrrg!

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pintuan ng classroom namin.

Napatingin silang lahat sakin ng may pag tataka.

"Ma'am, sorry I'm late -"

"HAHAHA!"

Nag taka naman ako ng marinig ko silang tumawa, bakit?

"Mahangin ba sa labas Ms. Constantino?" natatawang sabi ni Ma'am kaya mas tumawa sila.

Argh, kaasar.

Nag lakad na ko papuntang upuan ko habang sila ay sinusundan ako ng tingin.

Naka tingin sila sa ulo ko tapos mag bubulungan at tatawa, ano ba'ng meron?

Hinawakan ko ang ulo ko at...

Haist! kaasar.

Sa sobrang pag mamadali ko nakalimutan kong tanggalin ang... suklay sa ulo ko -__-

"Hahaha." rinig ko pa ring tawa niya kaya napairap na lang ako ng bahagya.

"Okay guys, tama na!" sigaw ni Ma'am kaya tumigil na din sila sa kakatawa nila.

1st subject namin ngayon ang AP kaya ngayon na ang performance namin! na ka-bisado ko na ang i-rereport ko kaya ready na ko sa performace.

Nilingon ko si Nathan at nakita ko siyang... tulog.

Bahala siya, tatawagin ko na lang siya kung kami na ang mag-rereport.

Isa isa silang nag report sa harap, maganda ang report nila Mary at Bhenidict lalo na si Asiana at Bariele kabisado nilang pareho ang ni-report nila.

"Okay, Ms. Constantino and Mr. Park? you're next." pag ka-sabi ni Ma'am niyan hinarap ko si Nathan at tulog pa din siya.

"Wait lang po." sabi ko kay ma'a at tumango lang siya.

Bakit ba kasi natutulog 'to sa klase?!

"Nathan, Nathan!" gising ko sakanya kaya agad siyang nagising.

"What?"

"Mag re-report na tayo, asan na yung USB? pati yung pina-print ko?" tanong ko, mamaya ko na lang itatanong ang phone ko.

"What? USB?" nag tatakang tanong niya sakin.

"Yung report natin!"

"You don't said to me that I need to bring that thing, I left it at home." pag ka-rinig ko sa sinabi niya nanlaki ang mata ko, a-ano?!

"Na-naiwan mo?" kinakabahang tanong ko at tumango siya at sumubsob ulit sa desk niya.

"Ms. Constantino and Mr. Park! are you gonna report here or i'll zero the both of you."

The Long Lost Princess (Re-Writing/Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon