Chapter 6- Being His Partner. (Part Two)Nag lalakad kami ni Nathan sa hallway ng second floor nila, papunta daw kami sa kwarto niya.
Napahinto naman ako sa pag lalakad at tinitigan ang napaka laking painting na nasa harap ko ngayon.
'Park Family'
May lalaking nakatayo sa gilid naka suit at may suot na mamahaling mga alahas siya ata ang tatay ni Nathan, naka-akbay ang tatay ni Nathan sa isang babae na mama ata ni Nathan kahit may katandaan na sila abg ganda at gwapo nila mga mayayaman, may hawak na sanggol ang nanay ni Nathan sobrang cute at sa baba naman ng tatay ni Nathan nandun si Nathan, alam ko siya yun sobrang cute niya siguro mga 2 yrs old pa lang siya.
"Nathan." sambit ko kaya napalingon siya sakin.
"May kapatid ka pa lang babae." sabi ko at tinitigan ulit ang sanggol.
"Nah, wala na yan ."
"Paanong wala?"
"Patay na." diretsong sabi niya kaya nagulat ako.
"Patay?-- sorry."
Hindi niya na lang ako pinansin at nag patuloy sa pag lalakad kaya sinundan ko siya bago makalayo nilingon ko ulit ang painting, patay na ang babaeng sanggol na yun? paano?
Patuloy kaming nag lalakad hanggang sa huminto siya at binuksan ang napaka laking pinto.
Kwarto niya 'to? maganda at malawak kulay black and white naman ang theme ng kwarto niya.
Sa gilid may napaka laking glass wall kung saan kitang kita mo ang mga stars at nag lalakihang buildings.
May painting din siya na puro stars at araw ang naka pinta, kaya nahulaan kong mahilig siya sa bituin lalo na sa araw.
Gusto kong mag tanong sakanya ng marami, kung bakit namatay kapatid niya bakit mahilig siya sa araw at bituin kung bakit mayaman sila, interesting talaga si Nathan.
"Here's the laptop, gumawa ka na." sabi niya at pumasok sa isang kwarto.
Gumawa na nga ako ng power point medyo nahirapan din ako dahil nilalagyan ko pa ng designs pero sa huli natapos ko na din.
"Nathan, i-print mo 'to eto ang magiging report natin." sabi ko sakanya at tumango lang siya nag ce-cellphone lang siya e.
Dapat pala ako na lang ang gumawa wala din naman pala siyang naitulong, akala ko kasi mahihirapan ako. Tama din palang sumama ako sakanya wala kasi akong laptop mag rent pa ako sa computer shop tapos mag papa-print pa ko kaya naman naisipan kong hindi din naman pala masama sumama sakanya yun nga lang napaka tipid niya mag salita.
"Tapos na, may USB ka ba?" tanong ko at tumango na naman siya mabuti na lang may USB siya wala akong USB eh tsaka puno na memmory ko puro video ni taehyung yung nandun.
"Uuwi na ko." sabi ko sakanya at inayos ang bag ko.
"..." hindi siya sumagot kaya mas nairita ako.
"Nakaka-asar naman 'to." bulong ko at lalabas na ng kwarto niya--
"Wait." napalingon ako sakanya at nakita ko siyang tumayo.
Lumapit siya sakin kaya napatingin na naman ako sa mukha niya.
"Nakipag-away ka ba?" hindi ko na mapigilang mag tanong, sino may gawa sakanya niyan?
Hindi na naman siya sumagot at naunang nag lakad sakin.
"Sino may gawa sayo niyan?" tanong ko kaso hindi na naman siya sumagot.
Ah ayaw mo sumagot.
"Akala ko pa naman malakas ka, yun pala hindi puro ka lang salita." sabi ko kaya napalingon agad siya sakin.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess (Re-Writing/Updating)
Genç Kurgu"Re-writing (25/38) chapters" ~~ Paano kung ang isang nerd na bully ng lahat at no one ay isa pala'ng 'Long Lost Princess'? Mag-babago kaya ang Buhay niya? aasarin pa ba siya at mananatili pa ba siyang Isang dakilang Nerd? At paano kung sa di inaas...