Chapter 18: Wendy

3.9K 127 1
                                    


Chapter 18: Wendy.

'Elena Constantino'

"Nathan, ano ba 'tong ginawa mo? ayoko sabi maging--"

"Stop it, ikaw ang napili ko." sabi niya at patuloy pa din sa pag hila sa'kin.

Agad kong tinanggal ang pag kakahawak niya sa'kin at huminto, tiningnan ko siya ng masama na ikinakunot ng noo niya.

"Ayoko, ayokong maging SSG President."

"Why." sabi niya at nag crossed arms sa harap ko.

"Cause i don't want to, malaking gulo kung ako ang papalit sa pwesto ni Belle." sambit ko mag sasalita pa sana siya kaso tinalikuran ko agad siya.

"Ayoko, wala kang magagawa." sabi ko at mag lalakad na sana palayo kaso pinigilan niya 'ko.

"Okay, fine. If you don't want to, I won't force you." sabi niya at napa buntong hininga na lang ako.

"Anong next subject natin? late na talaga tayo." sabi ko at napahawak na lang sa ulo ko, patay kami nito.

"MAPEH, sa music room tayo." sambit ni Nathan at sabay kaming pumunta sa Music room.

Saktong pagkarating namin, wala si Ma'am at sobrang ingay nila.

"Kayong dalawa? saan kayo nag pupunta?!" bungad samin ni Asiana, umupo ako sa upuan ko at hinarap sila.

"Na-late ako ng gising." sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

"Okay ka na ba? hindi ka na ba nahihilo?" tanong ni Bhenidict sa'kin tumango na lang ako bilang sagot.

"Mamaya, basketball tayo." sabi ni Vance kaya napalingon kami sakanya.

"Wala ako sa mood, dre." sambit ni Bhenidict sakanila kaya napalingon ako sakanya.

"Ikaw Nathan?"

Hindi sumagot si Nathan at nag salpak lang ng earphone, means hindi siya interesado.

Nilingon ko si Bhenidict at naka palumbaba siya habang nag ce-cellphone.

"Bhenidict?"

"Hmm?"

"May problema ka?" tanong ko, hindi ako sanay na ganyan siya.

"Hays." sabi niya at itinabi muna ang cellphone niya sa bulsa niya.

"Ano nga?"

"Wala lang 'to." sabi niya, mag sasalita pa sana ako kaso biglang pumasok si Ma'am sa room.

Tumahimik ang buong klase at nakatingin lang kay Ma'am.

"Okay class, I have an announcement." sabi ni Ma'am, nakatingin lang kami kay Ma'am at nag iintay ng sasabihin niya.

"It's July 25 right? sa August ang foundation day ng school na 'to." sabi ni Ma'am kaya nag ingay ang buong klase.

Foundation day sa august?

"Alam niyo naman kung anong nangyayari sa foundation day right? maraming events na mangyayari at syempre ang mga booths."

"So ang announcement  ko ay, ang section 2 and 3 ang gagawa ng booths para sa foundation day, mag iisip kayo ng sarili niyong booth."

"Section 3! i'll group you into 5 groups, kada group ay may 6 members so mag iisip kayo ng sarili niyong booth, at yun ang magiging project niyo sakin."

The Long Lost Princess (Re-Writing/Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon