CHAPTER 21: MEET ROMEO & JULIET'Elena Constantino'
"Nathan!" rinig na rinig ang sigaw ko sa mall dahilan na mapatingin ang mga tao sa'min at makiusyoso.
Sinapak nga ni Nathan ang lalaking nang manyak sakin dahilan na uminit lalo ang dugo ni Nathan.
Napa higa ang lalaki sa sahig at nabangga siya sa isang stall ng pagkain kaya agad nag tilian ang mga tao at umatras.
Lumapit ulit si Nathan sa lalaki, susuntukin niya sana muli ngunit naunahan na siya at si Nathan naman ang nasuntok sa mukha.
Lumapit na kami ni Bhendict kay Nathan at pinigilan siya sa pag atake sa lalaki.
Inaawat ko siya at tiningnan ng masama, ayaw niya pa mag paawat dahil hindi niya tanggap na nasapak siya ng lalaki. Para siyang bata, Nasa public place kami kung nakakalimutan niya.
"Stop it." nanggigil na bulong ko sakanya at sinamaan siya ng tingin, bahagya niya kong inirapan at tiningnan ang mga kaaway.
"All of you, get out of sight or i'll break all of your bones." para bang nag dilim na ang mga mata ni Nathan kaya agad natakot ang mga lalaki at nag sitakbo palayo.
Nakahinga naman ako ng malalim nang tumakbo na palayo ang mga lalaking yon.
Hinarap ko si Nathan at dinuro siya.
"Ikaw, bakit ba ang hirap mong controlin 'yong galit mo! nakalimutan mo bang nasa public place tayo!" sigaw ko at pinaningkitan siya ng mata.
Naramdaman kong may humawak sa braso ko.
"Elena, tapos na ang nangyari. Hayaan mo na." mahinahon na sambit ni Bhenidict kaya huminga muli ako ng malalim at tiningnan si Nathan.
Naka cross-arms ulit siya at nakatingin sa kawalan, sabagay... Pinagtanggol lang naman niya ako sa mga lalaki, dapat pinasalamatan ko na lang siya kaysa sigawan at sisihin siya.
"S-sorry, dapat hindi kita sinigawanㅡ" bago pa ako makapag pasalamat kay Nathan nabigla ako ng may dumating na mga security guards at nakatingin ng masama samin
"Patay." nasabi ko na lang at tiningnan sila isa-isa.
Nakatingin ako kila Nathan at Bhenidict at mukhang nagkakaisa ang isip namin, nag bilang si Bhenidict ng tatlo at...
"Takbo!" sigaw niya at naunang tumakbo, ayaw pa sanang tumakbo ni Nathan pero hinigit ko na siya at tumakbo na kami.
"Hoy, tumigil kayo!" sigaw ng mga security guards kaso patuloy pa din sa pagtakbo.
Habang tumatakbo nilingon ko sila sa likod at naka sunod pa rin sila!
"Shit, saan tayo?!" sigaw ko kay Bhenidict habang tumatakbo kami.
"Lalabas tayo!" sigaw ni Bhenidict kaya napasigaw kami ni Nathan nang "What?!" bakit kami lalabas?! Eh hindi pa nga kami nakakapag grocery.
"Sa iba na lang tayo mag grocery!" sigaw ni Bhenidict kaya wala na nga lang kami nagawa kung di ang takbuhan ang mga security guards.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess (Re-Writing/Updating)
Teen Fiction"Re-writing (25/38) chapters" ~~ Paano kung ang isang nerd na bully ng lahat at no one ay isa pala'ng 'Long Lost Princess'? Mag-babago kaya ang Buhay niya? aasarin pa ba siya at mananatili pa ba siyang Isang dakilang Nerd? At paano kung sa di inaas...