Chapter 10: Blind fold

3.9K 139 5
                                    


Chapter 10: Blind fold

"Sino pa?" tanong ni Asiana habang naka tingin kami sa schedule ko..

"Wala na, pumirma na silang lahat." sambit ko.

"Ayos! oh anong oras na?" masayang sabi ni Asiana habang inakbayan ako.

"15 minutes na lang."

"Nahanap mo na ba yung partner mo?" tanong niya kaya napa buntonh hininga ako.

"Hahanapin ko pa lang." sambit ko, tinap ni Asiana ang shoulder ko.

"Kailangan ko ng umattend sa klase, sige ah maiwan na kita." sabi ni Asiana

"Sige, salamat." sambit ko at nginitian niya ko.

Salamat talaga dahil sinamahan ako ni Asiana mag pa-excused sa mga teachers ko, hindi ko pa naman alam kung saan ang mga department nila.

Habang nag lalakad sa hallway nabigla ako ng may mabangga ako.

"Sorry po, pasensya na." sambit ko sa babaeng nabangga ko.

Pag harap ng babae sakin.

Siya yung SSG President, Miss. Belle.

Siya yung tumuluong sakin ng first day of school.

"Oh. Ikaw pala." nakangiting sambit niya.

"Pasensya na hindi kita nakita--"

"Okay lang, hindi mo naman sinasadya." sabi niya sabay kindat sakin, ang ganda niya.

"Bakit parang nag mamadali ka?" tanong niya

"Hahahanapin ko pa kasi si Nathan--"

"Si Mr. Park?"

"Oo."

"Bakit mo naman hinahanap?" naka-kunot noong tanong niya sakin.

"Ka-partner ko siya sa performance sa masquerade, kailangan na namin mag practice sa court."

"Sakto, nasa court din siya may practice sila ng basketball ngayon, kasama niya ang mga ka-team niya sa basketball."

"Ay ganun ba? salamat." mabuti nasabi niya na, baka kung saan saan na ko nakarating ngayon.

"Walang anuman~ nakaka-inggit naman ka-partner mo siya." malungkot na saad niya kaya nag taka ako.

"Bakit, anong nakaka-inggit?" tanong ko.

"May nararamdaman ako para kay Nathan at sa tuwing nakikita ko siya mas nagugustuhan ko siya." kinikilig na sambit niya kaya napatawa ako.

"Haha, sige gusto mo ireto kita?" tanong ko na ikinabigla niya.

"Ta-talaga?! salamat!" masayang sambit niya at pinag yayakap ako.

"Haha oo naman."

"Salamat talaga-- teka anong name mo?" tanong niya.

The Long Lost Princess (Re-Writing/Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon