Chapter 5: Being His Partner.
Nasa hallway ako ng shool ngayon, nag lalakad at hinahanap si Nathan.
Ayoko talagang makita o maka-usap man lang siya dahil naiirtita talaga ako sakanya, hindi ko kayang pakisamahan ang katulad niya.
Naki-usap na ako kay Ma'am kung pwedeng mag palit ng partner kaso sabi niya hindi daw pwede.
Nakaka-asar talaga, badtrip naman oh. Nasan na ba si Nathan?
Pumunta ako sa gate ng school kung saan nandun ang guard ng school.
"Manong, si Nathan Park po ba naka-alis na?" tanong ko sa guard kaya napalingon siya sakin.
Itinuro niya ang limousine car ni Nathan "Nandiyan pa ang sundo niya." sabi niya
"Ah salamat po." sabi ko na lang at nag patuloy sa paglalakad.
Dinala ako ng paa ko sa court ng school, may nakita din akong ilan ilang nag lalaro ng basketball.
Nakita ko naman sila Bhenidict at Vance na naka-suot lang sila ng sando, shorts at rubber shoes.
Napansin agad nila Bhenidict na paparating ako sakanila kaya agad agad nila akong sinalubong.
"Bakit ka nandito Elena? hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Vance sa'kin kaya napailing ako.
"Ano ka ba Vance, sabay kaming uuwi ni Elena. Iniintay niya lang ako diba?" napatawa naman ako sa sinabi ni Bhenidict at tumingin sa paligid.
"Hinahanap ko si Nathan, nakita niyo ba siya?"
"Aray! si Nathan pala ang sadya hindi ikaw." sambit ni Vance kay Bhenidict.
"Bakit mo hinahanap si Nathan?"
"Ka-partner ko siya sa pinapagawa ni Ma'am na performance natin."
"Ah oo!"
"Nakita niyo ba siya?" tanong ko ulit.
"Panigurado nasa rooftop yun, puntahan mo." sambit ni Bhenidict at tiningnan ako ng naka ngisi.
"Inaantay na naman niya yung sunset, haha!" tumawa sila Vance at Bhenidict, ano daw sunset?
Nag pasalamat at paalam na ko sakanila, nasa first floor ang court ng school na 'to at sa pag kaka-alam ko nasa 8th floor ang rooftop.
Agad akong napahinto 8th floor? argh!
Sana may elevator, sana may elevator---
Napahinto ako ng sarado sira daw ang elevator kaya napalingon ako at nakita ang hagdan.
Aist! kaya ko 'to!
Pag karating ko sa 8th floor hingal na hingal ko pang binuksan ko ang pinto at..
wow.Ang ganda dito, agad akong napatayo ng maayos at tinitigan ang paligid.
Ang ganda, breathe taking parang gusto ko na tuloy tumambay sa lugar na 'to lagi.
Hinanap ng mata ko si Nathan at nakita ko siyang naka sandal sa pader habang nakatitig sa kalangitan.
Kulay orange na ang kalangitan sobrang ganda.
Bago ko siya lapitan huminga muna ako ng malalim at lumapit sakanya.
Para sa scholar ko.
"Nathan." sambit ko napalingon agad siya sakin.
Parang ako pa ang mas nagulat ng makita ko ang itsura niya, kitang kita ko ang pasa niya sa mukha.
Halata ang pagka-gulat sa itsura niya ng makita ako, inayos niya ang pagkaka-upo niya.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess (Re-Writing/Updating)
Ficção Adolescente"Re-writing (25/38) chapters" ~~ Paano kung ang isang nerd na bully ng lahat at no one ay isa pala'ng 'Long Lost Princess'? Mag-babago kaya ang Buhay niya? aasarin pa ba siya at mananatili pa ba siyang Isang dakilang Nerd? At paano kung sa di inaas...