Chapter 11: What to do

3.9K 145 8
                                    


Chapter 11: What to do.


"And it was enchanting to meet you
All I can say is I was enchanted to meet you
This night is sparkling, don't you let it go
I'm wonderstruck, blushing all the way home
I'll spend forever wondering if you knew
I was enchanted to meet you~"

"Stop! okay take a break, 10 minutes only." nakahinga naman ako ng maluwag ng pahintuin kmi ni Ma'am.

Tatanggalin ko na sana ang piring ko kaso biglang may nag tanggal.

Pag lingon ko, nakita ko si Nathan.

"Bakit kanina ka pa hindi nag-sasalita? may problema ka ba?" kunot noong tanong niya sakin, tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan siya ng may pag tataka.

'Kailan pa nag-karon ng pakielam 'to sakin?'

"Pagod lang ako." sambit ko at umupo sa isang tabi.

Lumapit naman siya sakin at tumabi din.

"Hindi ka kakain? pwedeng bumili sa canteen." sabi niya kaya napalingon ako sakanya, inilingan ko na lang siya at tumingin sa paligid.

"Psh, wait I'll buy some foods." sambit niya at naka pamulsang nag lakad palayo.

Edi bumili siya, nag papa-alam pa siya.

Napa buntong hininga na lang ako ng maalala ang nangyari kahapon.

Wala akong nahanap na trabaho, hindi ata ako makaka-attend ng masquerade na yan wala akong dress na isusuot at ibabayad sa entrance fee.

Kung may performance sana kami sa AP at kung hindi naiwan ni Nathan ang performance namin edi sana hindi ako namomoblema at nag kakanda pagod sa pag practice.

Napa buntong hininga na lang ako, hindi naman ako pwedeng basta na lang mag quit dito sa sayaw namin ng dahil lang sa wala akong isusuot, hindi ko naman talaga pwedeng gawin yun dahil pag nag quit ako, good bye school at good bye dreams mawawala na lang ang lahat ng pinag hirapan ko.

Simula ng pag pasok namin sa school nag practice na agad kami, kanina pa kami nag pra-practice at kunti na lang patapos na kami sa sayaw.

Ang bilis namin no? dalawang araw pa lang kaming nag pra-practice at matatapos na kami.

Magaling si ma'am mag turo at sobrang sipag ng mga kasama ko dito, kaya hindi na ako mag tataka kung bakit ang bilis namin maisaulo ang sayaw.

Bukas hindi kami makaka-pag practice dahil laban ng basketball bukas, team nila Nathan at ang kalaban ay ibang school at may long quiz din pala kami bukas.

"Oh." nabigla naman ako ng may mag abot sakin ng burger, pag lingon ko nakita ko si Nathan na may hawak na burger at inaabot sakin.

Tinanggap ko ito at nag pasalamat, nakakahiya man pero hindi na ako nag inarte pa nagugutom na din ako.

"Bakit ka ganiyan? bumabait ka na ah." sambit ko habang kumakain.

"Nakaka-awa ka kasi." diretsahang sabi niya kaya napalingon agad ako sakanya.

Nakaka-awa pala ah? sisigawan ko sana siya kaso huminto ako.

The Long Lost Princess (Re-Writing/Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon