Nagising ako dahil sa alarm clock, pag tingin ko sa oras 6:30 na ng umaga sakto lang dahil 7:30 naman ang pasok ko.
Tumayo na ako at tiningnan ang itsura ko sa salamin.
Hindi ko pa din natatanggal ang contact lense sa mata ko, yung buhok ko naka kulot pa din sa baba at may kunting make-up pa ko sa mukha ko.
Napa-iling na lang ako at pumasok sa banyo para linisin ang sarili ko.
.
"O-ouch!" daing ko, nakaka-asar hindi ko matanggal ang contact lense sa mata ko, paano na ako nito?
May grado nga 'tong contact lense ko kaya okay lang kahit hindi na ako mag salamin pero hindi ako sanay, mas komportable ako na suot ko ang salamin ko.
Sinubukan kong suotin ang reading glasses ko pero lumabo ang paningin ko, mas tumaas ang grado; tinanggal ko ang suot kong salamin at iritang tumingin sa salamin.
Nakaka pag-taka din tong buhok ko, hindi na siya masyadong buhaghag at curly pa din yung nasa babang bahagi ng buhok ko, bakit ganito? bakit kahit naligo na ako curly pa rin ang nasa baba, hindi kaya nilagyan nila ng gamot 'to? pero ang alam ko lang treatment lang ang nilagay sa buhok ko.
"Arggh!" sabi ko sabay gulo sa buhok ko, paano na ako nito? ayokong pumasok sa school ng ganito ang itsura ko.
Sa huli. Itinali ko ang buhok ko ng ponytail na mataas kaya kita na ang buong mukha ko, hindi pa ako masyado marunong mag tali at maluwag ang pag kaka-tali ko, hay! bahala na.
"Bhenidict?!" gulat na tanong ko ng makita ko si Bhenidict sa loob ng bahay namin.
"Ang ayos mo ngayon ah." sabi niya at tumayo sa pag kaka-upo.
Nahihiya ko siyang nginitian dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin ko sakanya, tumingin ako kay Lola naka ngiti lang siya sa'kin, hays.
"Pumasok na kayo, baka ma-late kayo."
"Opo 'la, salamat po." naka ngiting sambit ni Bhenidict at kinuha ang bag ko.
"Aalis na po kami." nakangiting sambit ni Bhenidict.
"Pero--"
"Sige, mag-ingay kayo." pag ka-sabi ni Lola niyan, hinila na ako ni Bhenidict palabas ng bahay.
Pero... Hindi pa ako kumakain.
"'Wag kang mag-alala, sa school tayo mag breakfast."
"Pero, may klase tayo--"
"May meeting yung teacherd ngayon." sabi niya tinaas baba ang kilay niya.
"Paano mo nalaman?"
"Ako pa, syempre sinabi sakin ni Vance alam mo naman 'yang si Vance maaga pumasok at ang sabi niya wala daw ang mga teacherd nasa conference room 'daw." paliwanag niya kaya napatango na lang ako.
Nag lakad lang kami papuntang school hindi niya daw dinala kotse niya dahil mas gusto niyang mag lakad lakad.
"Bakit pala nasa bahay ka kanina? nagulat tuloy ako sayo, pumupunta ka ng walang pasabi." sabi ko na ikinatawa niya.
"Surprise, mahilig ako mag surprise tsaka gusto ko sabay tayong papasok." sabi niya at kinindatan ako hinampas ko naman siya sa braso niya.
"Aray!"
"Akin na yung bag ko, hindi mo naman kailangan dalhin yan kaya ko naman 'no!"
"Alam ko kasing di ka pa kumakain baka mas lalo kang mapagod tsaka nag lakad pa tayo, kaya 'wag ka nang makulit at ako na ang mag dadala nito." sabi niya at pinalnagawa kamay kong nakahawak sa bag ko.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess (Re-Writing/Updating)
Dla nastolatków"Re-writing (25/38) chapters" ~~ Paano kung ang isang nerd na bully ng lahat at no one ay isa pala'ng 'Long Lost Princess'? Mag-babago kaya ang Buhay niya? aasarin pa ba siya at mananatili pa ba siyang Isang dakilang Nerd? At paano kung sa di inaas...