Chapter 15: Mystery Guy (Masquerade Ball Party) Part Two
Nakarating ako sa garden, at kung minalas ka nga naman naka sarado ang gate at bawal pang umuwi kaya naman wala akong nagawa kung di ang mag tago dito sa school.At kung nag kataon na makita nila ako panigurado pipilitin nila akong sumali sa 'Mr. and Ms. Park Academy' ano namang mapapala ko diyan diba? ang pinunta ko dito ay para mag perform ngayong gabi para sa grade ko, hindi para makapasok sa Top 5 na yan.
Kinuha ko ang patch na kulay pula at may nakalagay na malaking number 1 sa gitna, tinanggal ko 'to sa damit ko at hinawakan muna.
Ayokong sumali diyan, bahala sila.
Tinanggal ko muna ang masscara ko dahil naiintan na din ako.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, may mga lanterns na naka sabit sa puno at yun lang ang nag sisilbing liwanag sa paligid.
Halos mapasigaw ako ng makitang may lalaking naka upo sa sahig habang naka sandal sa puno.
Ma-may kasama pala ako dito.
Tinitigan ko ang lalaki, naka pikit at mga mata niya habang naka sandal sa puno.
Naka masscara din siya, naka kulay black suit siya at halatang mamahalin ang suot niyang suit at sapatos.
Sino 'to?
Nagulat naman ako ng magising siya at mapatingin sakin, agad akong tumalikod sakanya para di niya makita ang itsura ko.
Nakakahiya, ayoko namang umalis dito sa garden kasi baka mahanap ako ng teacher na yun, sinuot ko ulit ang masscara ko at dahan dahan na lumingon paharap.
Napa atras naman ako ng makitang nasa harap ko na ang lalaki, sino siya?
"S-sino ka?!" sigaw ko at umatras ulit dahil humahakbang siya papalapit sakin.
"Sino ka din muna?" halos mapatawa ako ng ibalik niya sakin ang tanong.
"Haha, ikaw ang tinatanong ko, sino ka?" sino siya? hindi ko talaga siya mamukhaan dahil hanggang taas ng labi ang masscara niya, at tanging ang labi niya lang ang nakikita ko, kakaiba ang masscara niya halos whole face na ang naka takip sakanya.
"Wag mo nga ibalik ang tanong sa---"
Napahinto naman ako ng hawakan niya ang pisngi ko.
"A-anong ginagawa mo! lumayo ka nga sakin!"
"E-Elena?" nag tatakhang tanong niya.
"Kilala mo ako?" takhang tanong ko, paano niya ko nakilala?
Maduga tong lalaking to.
Nakatitig lang siya sakin, tinitigan ko naman ang mata niya at parang nakikilala ko siya e.
"You two!" nagulat naman ako ng may marinig akong sumigaw.
At laking gulat ko ng makita ang SSG President na si Belle at isang teacher.
Naka yellow gown si Belle habang sa likod ng gown niya ay may pa-heart na butas kaya kita ng kaunti ang likod niya, at naka lugay ang brown curly hair niya.
"Look who's here, dito ka lang pala nag tatago Nathan." nabigla ako ng tawagin nilang Nathan yung lalaking nasa harap ko.
"Na-Nathan?" tanong ko at tumingin kay Nathan, si Nathan siya?
"Oo, si Nathan siya--- wait! ikaw yung candidate 1 right?" tanong sakin ng teacher agad ko namang nilagay ang kamay ko sa likod ko, hawak ko kasi yung patch na ibinigay nila sakin.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess (Re-Writing/Updating)
Ficção Adolescente"Re-writing (25/38) chapters" ~~ Paano kung ang isang nerd na bully ng lahat at no one ay isa pala'ng 'Long Lost Princess'? Mag-babago kaya ang Buhay niya? aasarin pa ba siya at mananatili pa ba siyang Isang dakilang Nerd? At paano kung sa di inaas...