"It's Over..."

342 8 1
                                    

CARLO'S POV:

Bumungad ang magandang mukha ni Dice ng imulat ko ang mga mata ko. Nakaramdam ako ng kirot sa likod ko ng sinubukan kong kumilos.

"Carlo! May masakit ba? Okay ka lang ba?"
Lumapit si Dice at mukhang maiiyak na naman na hinaplos ang pisngi ko. 'Na naman', dahil obvious namang umiyak siya.

"I'm okay,"
Maiksing tugon ko at ipinikit ang mga mata ko. Gusto kong bumangon at yakapin siya pero parang pinupunit ang likod ko sa sakit.

"Sigurado ka?"
Lumipat ang malambot niyang kamay sa noo ko. Kumilos ako at hinawakan ang palad niya. Pagmulat ko ay nakatitig siya sa akin.

"Ba't ka umiiyak?"
Shes crying habang mahinang hinahampas ang kamay ko na hawak ang isang kamay niya.

"Nagtanong ka pa!"
Gamit ang natitirang lakas ko, hinila ko siya at inilapit sa akin. Nakayakap na siya ngayon  at hinahalikan ko ang buhok niya. Dinig ko ang mga mahinang hikbi niya. Gusto ko na namang magmura. Hindi dahil sa sakit ng mga sugat ko. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil sa pagiyak na naman ng babaeng mahal ko.

"It's over, Dice."
Mahinang bulong ko sa kanya.

"Don't leave me.."
Paos na tugon niya.

----------

"Hindi ba kayo nagsasawa sa kape?"
Nakabusangot na usisa ni Drigs sa amin ng naglalakad kami papunta sa isang coffee shop.

"Hindi ka naman masyado nago order ng kape ah."
Tugon ni Kyu na nakaakbay kay Chen.

"Wala ka namang ginawa sa coffee shop kundi kumain ng biskwit."

"Suntukan nalang oh!"
Paghahamon ni Drigs. Kumalas naman si Kyu sa pagkakaakbay kay Chen at nakipagtitigan ng masama kay Drigs.

"Bakit parang wala naman yatang nagbago sa'tin?"
Kakamot kamot ng ulong sabi ni Chen habang tinitignan sina Drigs at Kyu na naghahabulan.

"Ako, meron."
Sabat ni Red na nasa tabi ko naman at panay ang tingin sa cellphone.

"Pumogi ako lalo."

"Ahhh, kaya pala basted.."

Ngayon, pati sina Red at Chen ay nawala na sa tabi ko.

Napahinto ako sa paglalakad habang tinitignan ang mga naghahabulan sa harap ko.

Napabuntong hininga ako.

After three weeks ay nakarecover na ako at pumasok na ulit sa school. Salitan sina Mommy at Dice sa pagbabantay sa akin sa ospital.

Sa dami ng nangyari, ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang relationship namin. Dice is beautiful inside and out. Hindi niya talaga ako iniwan kahit nasaktan ko siya ng ilang beses. Minsan nga, habang nakahiga ako sa hospital bed at siya naman ay inaasikaso ang kakainin ko, bigla nalang sumagi sa isip ko, do I deserved this?

I was cold. Hindi ko man lang siya naisama sa sine. Hindi ko man lang naaya kumain ng dinner sa labas. Hindi ko man lang naiparamdam sa kanya ang magkaroon ng boyfriend.
I was too busy. Wala akong ginawa kundi isipin ang sarili ko. Nagfocus ako sa Death Dome at isinet aside si Dice.
Ngayon ko lang narealized, I am a jerk. Nagsayang siya ng halos two years ng dahil sa'kin. Kahit walang kasiguraduhan, nagtiwala siya. And this time, mukhang binigyan ako ng pagkakataon para suklian lahat ng effort ni Dice.

But the problem is,
hindi ko alam kong pa'no.

"Si Dice nga pala?"
Usisa ni Red pagkatapos gulpihin si Chen. Nagkibit balikat ako. Hindi ko naman kasi alam. Kahapon ko siya huling nakausap sa text, kasama daw si Faye.

"Hindi mo alam? Akala ko ba okay na kayo?"

"Okay naman kami ah."
Seryosong tugon ko.

"Girlfriend mo siya, diba?"
Tumango ako dahilan para manlaki ang mga mata niya. Ano ba'tong si Red. Ang O.A.

"Papano kung may mangyaring masama dun?"

"Kaya niya yun."
Honest na tugon ko habang nakatingin parin kina Drigs, Kyu at Chen na nagbibiruan na di kalayuan sa amin.

"Pre, hindi ba parang masyado kang nagtitiwala sa capability ni Dice?"

Hindi muna ako sumagot ng makarating kami sa coffee shop. Wala masyadong tao ng hapong iyon kaya naman nag iingay na naman sina Chen at Kyu.

"May tiwala ako sa kanya,Red. Alam mo na kung bakit."

Umupo ako sa sulok at medyo isinandal ang ulo ko sa salamin na wall ng coffee shop.

"Pre, babae parin si Dice.."
Umupo si Red sa harap ko habang sinasabi iyon. Hindi ako sumagot. Tinabihan ako ni Chen, si Drigs sa tabi ni Red at si Kyu sa center seat.

"I mean, since nagsimulang maging kayo, hindi ko pa kayo nakitang nag date. Ano bang monthsary nyo?"

Tumaas ang kilay ko.

"Monthsary?"

"Monthsary! Iyong date na sinagot ka niya!"

Natigilan ako at tinitigan si Red na naghihintay ng sagot ko. Napabuntong hininga ako. Tangina, diko maalala.
Kung alam ko lang, eh di sana binilugan ko na ang kalendaryo sa bahay.

"Hindi mo alam?"
Hindi makapaniwalang bulalas ni Chen.

"Hindi ka ba tinuruan ng mga ex mo dati?"

Nagkibit balikat ako.
"No."
Pormal na tugon ko.

"She's my first."

Mas lalong napanganga ang mga nasa harap ko.
"Oo nga pala."
Ani Chen at tinampal ang sariling noo.

"Kawawang Dice.."
Habang ngumunguya ng biskwit ay sambit ni Drigs.

The Other Side Of Miss Popular 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon