QUESTIONS

201 4 0
                                    

[Ph: kai]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Ph: kai]

DICE'S POV:

"Himala, mag isa ka lang yata ngayon?"
Narinig kong sabi ni Kai na sinundan ako sa may counter habang nagbabayad ako. Hindi ko siya pinansin dahil naiinis ako sa pagmumukha niya. Nagsimula 'to nung humingi ako ng donations eh. Tapos, ngumisi pa nung tulungan ko kanina. And worst, hinigpitan pa hawak sa kamay ko. Kung wala lang talaga kami sa mall, binalibag ko na 'to kanina pa!

"Ma'am, bayad na po."

"Excuse me?"
Sabi ko sa saleslady na nilalagay ang sapatos sa paperbag.

"Bayad na po, Ma'am."
Isinenyas niya ang isang kamay na tinanggihan ang card ko.

"Sa Mommy ko 'to."
Narinig kong sabi ulit ni Kai na sumandal pa sa salamin na parte ng counter habang nakangising nakatingin sa'kin. Hindi nalang ako umimik at tumalikod, leaving the bag of shoes.

"Hey! Yung shoes mo!"

"No thanks. Kaya kong bumili."
Tugon ko sa kanya na tuloy tuloy sa paghakbang palabas ng boutique.

----------

"Wala ka bang sundo?"
Usisa ni Faye sa akin ng madaanan niya ako sa room namin kinabukasan. Umiling ako bilang tugon habang inaayos ang mga gamit ko.

"It's already 7pm ah. Madilim na sa labas. Gusto mong sumabay sa'min ni Frank?"
Frank na kagrupo ni Carlo sa Death Dome ang bagong boyfriend ni Faye. Frank is way better than him ika nga niya (referring her ex).

"No thanks. Kaya ko naman eh."
Tugon ko at tumayo. Nginitian ko siya saka nagpatiuna ng naglakad palabas ng room.

"Hey, Dice."
Napalingon ako.

"Kumusta na kayo ni Carlo?"

"We're fine."
Sagot ko na nagpatuloy na sa paglalakad.

"Fine? Are you sure?"

Natigilan ako sa sinabi niya at sinulyapan siya. Natawa ako ng bahagya.

"Oo naman Faye. Sa dami ba naman ng pinagdaanan namin.."

"Hmmm..."

Napalingon ulit ako kay Faye. Itinaas ko ang mga kilay ko habang siya naman ay nakahawak ang isang kamay sa chin niya.

"Ano?"

"Nothing.."
Umiling si Faye at nauna ng naglakad sa akin. Nagulat ako ng huminto siya sa harapan ko at bigla akong niyakap.

"You deserved to be happy, Dice."

Bagama't nagulat ako sa sinabi niya, natawa nalang ako ng bahagya at tinapik ang balikat niya.

The Other Side Of Miss Popular 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon