BLACK RIBBON

172 3 3
                                    

DICE'S POINT OF VIEW:

"My God, Chen!"
Bulalas ko ng makita ang over all ranking ng mga estudyante (by course).

"Rank 3! Manlilibre!"
Sunod na sabi ni Drigs habang nakatingala kaming lahat sa bulletin board. Ako, Chen at Carlo ay pare parehas ng kurso, number 56 si Carlo at ako naman;

"Oh, rank 399 ka Dice! May butal!"
Inirapan ko si Kyu dahil out of 600 students ay 399 ako.

"Wow Kyu! Hiyang hiya naman ako sa 401 mo!"
Nakasimangot pa'rin ako ng sumagot sa kanya ng biglang may umakbay sa'kin.

"Bawi ka sa susunod,"
Ani Carlo na nginitian ako. Nakaramdam na naman ako ng kilig kaya syempre gumanti din ako ng ngiti. Hay. Buti nalang talaga andito si Carlo.

"Kaya tayo bumabagsak eh!"
Irap ni Chen na naglakad at nilagpasan kami.

"Puro kalandian! My eyes!"
Aniya na tinakpan pa kunwari ang mga mata niya. Natawa nalang kami ni Carlo sa kabitteran ni Chen. Sakto namang dumating si Juliana na nakasuot na ng uniform ng SDU.

"Hi guys!"
Bigla namang umatras si Chen at pumwesto sa likod namin ni Carlo.

"Oh, dito ka,"
Bahagyang hinila ni Carlo si Chen pero nagpumiglas ito at pumwesto sa sulok.

"Hi Yana!"
Panimulang bati ni Kyu kaya sunod sunod namin siyang binati.

"Yana?"
Ulit ni Chen kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Nakakunot noo siya at gulat na nakatingin kay Juliana.

"Sinong nagbigay sayo ng permiso?"
He asked na nanatiling nakatingin kay Juliana, so we assumed na kay Juliana niya iyon tinanong. Napakunot noo naman ito pero hindi nagsalita.

"Chen, whats wrong?"
Hindi nakatiis ay usisa ko.

"Yana is—"

"Stop!"
Isinenyas pa niya ang kamay na parang pinipigilan ako magsalita.

"Pero—"
Hindi pa man ako tapos magsalita ay tumalikod na si Chen at naglakad ng mabilis palayo sa amin. Nagkatinginan naman kaming lahat sa inakto niya.

"Problema nun?"
Ani Kyu habang nilalapitan si Juliana.

"I dont know."

Napatingin naman kaming dalawa ni Carlo kay Drigs na abala sa pagkain ng Pringles. Lumapit naman siya sa amin at bumulong.

"Siya kasi nagbigay ng Yana na nickname kay Juliana,"
Napa 'AHHHH' kami ni Carlo saka tinapunan ng tingin si Juliana na nakikipagbiruan kay Kyu.

"Arte naman ni Chen,"
Sambit ko.

"Alam nyo namang may pagka possesive ang pangit na iyon, masyadong selfish pagdating dyan sa ex niya,"
Napangiti nalang kami ni Carlo at napailing.

Napagpasyahan naming lumabas ng University at maglakad patungo sa bagong bukas na coffee shop sa labas din ng school. Tinawagan pa ni Carlo si Chen para imbitahan pero nag inarte at ayaw talaga sumama.
Nasa gitna kami ng kwentuhan habang naglalakad ng biglang may mabilis na itim na sasakyan ang dumaan. Muntik na masagi sina Kyu ay Juliana sa gilid pero mabuti nalang at nahila sila ni Drigs.

"HOY! BUMALIK KA DITO!"
Galit na sigaw ni Kyu na nakatingin sa papalayong sasakyan. Nakaramdam ako ng pamilyar na kaba at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagpatuloy sa paglalakad ang tatlo pero ako naman ay napahinto sapo ang dibdib ko.

"Ayos ka lang?"
Usisa ni Carlo na hinaplos ang likod ko. Hindi ako sumagot dahil hindi naman talaga ako ayos. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit kaya napatingala ako kay Carlo. Nakakunot noo siyang nakatingin sa akin at mukhang worried na hinaplos ang buhok ko. Sa pagbawi ng tingin ko sa kanya ay may nahagip ang mata kong nakapatong sa balikat niya.

The Other Side Of Miss Popular 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon