KAI

159 4 0
                                    

DICE'S POINT OF VIEW:

"What do you want ba?"
Sinamaan ko ng tingin si Kai na kanina pa sunod ng sunod sa akin dito sa library. Naiinis ako dahil pinagsabihan na naman ako ni Dad tungkol sa grades ko kagabi, at nadagdagan pa ng biglang nag appear sa harap ko si pervert president.

"Sshhh."
Tugon niya at nakangising ibinalik ang tingin sa librong hindi naman niya binabasa. Napatingin ako sa kulay puti niyang sweater na medyo nakalilis ang dulo sa magkabilang braso niya at inilipat ang tingin sa mukha niya. Pinasingkit ko ang mga mata ko at sinubukang basahin ang pagkatao niya.

"Matutunaw ako."

"Excuse me?"

"Kanina mo pako tinititigan eh."

"Tsk."
Ismid ko at inirapan siya.

"Ganyan ka ba talaga kayabang?"

"Gwapo lang."

Sumimangot nalang ako at inilabas ang cellphone at headset ko dahil obvious na hindi ako titigilan ni Kai. Tinapunan ko muna ulit siya ng tingin bago iyon isinalpak sa tenga ko.

Abala ako sa pagbabasa ng mapansin ang isang papel na inilagay niya sa harap ko.

BAKIT ANG SUNGIT MO?

Hindi ko iyon pinansin at itinuon ulit ang paningin sa libro.

SAW YOU EATING JUNKFOODS YESTERDAY AGAIN ^_^

Inisnab ko pa'rin iyon pero medyo nangunot ang noo ko. Nitong mga nakaraang araw ay panay ang kain namin nina Chen kapag hapon dahil sabay sabay ang vacant namin. Creepy talaga 'tong pervert na'to. Iniistalk yata ako.

TUMATABA KA YATA ^_^

Automatic na napaawang ang labi ko sa nabasa ko at nanlalaki ang matang napatingin kay Kai.

NOOOOOOO!!!

Ngumiti siya at pinalobo pa ang magkabilang pisngi kaya nasapo ko naman ng wAla sa sarili ang mga pisngi ko.

"Jerk!"
Hindi nakatiis ay sagot ko pero agad din akong napayuko ng bahagya ng marinig ang pag 'Sshhhhhhh' ng ibang estudyante sa amin.

Kyeopta ^_^

Mabilis kong nilukot ang papel na iyon at ibinato kay Kai. Hindi ko na  napansin kung tinamaan ba siya dahil nagmadali ako sa pagaayos ng mga gamit ko saka mabilis na tumalikod. 

Dumaan muna ako sa canteen para bumili ng tubig para kumalma. Bibili pa sana ako ng crackers pero naalala ko naman iyong sinabi ni Kai kaya binusog ko nalang ng tubig ang sarili ko. I need to check my weight paguwi ko!

And for the nth time, wala talaga akong idea kung bakit bigla nalang sumulpot si Student Council President at inasar ako. Wala naman kaming common friends, magkaiba kami ng course at medyo malayo ang building namin since pumasok ako dito sa SDU. Hays. Kung sana andito si Carlo, hindi ako guguluhin ng pervert na iyon eh.

Nagtungo nalang ako sa likurang bahagi ng Main building dahil may mga klase naman ang mga kaibigan ko. Medyo lumago na ang mga damo at puno kaya medyo madilim. Naalala ko iyong time na nakita kong binubugbog si Carlo dito,thats the first time na kinausap niya ako. Napangiti nalang ako habang umuupo sa isang bench doon ng maisip iyon.

"Hey."
Nagsalubong ang kilay ko ng tabihan ako ng isang tao sa kinauupuan kong bench.

"Pati ba naman dito?"

"Yap,sinundan kita."
Tugon niya habang pinapaikot ang mata sa tahimik at madamong parte ng school. Inayos niya ng bahagya ang manggas ng puting puti niyang sweater.

"Hindi ka ba natatakot dito?"

"Ngayon?Oo. May sumulpot na devil eh."
Nakasimangot kong tugon na itinuon ang tingin sa librong hawak ko. Gusto kong tumayo ulit pero pagod na'ko.  Kanina pa ako palakad lakad dito sa campus.

"Ikaw."
After a minute ay sabi niya kaya napakunot noo ako.

"You asked me kung ano ba talagang gusto ko diba?"
Ngumiti siya at tinitigan ako.

"Ikaw ang gusto ko."

Lumikha ng tunog ang biglang pagsara ko ng librong hawak ko.

"First of all,kilala kita. Bukod sa Student Council President ka,you're famous for being a playboy. Pangalawa, naiirita ako sayo dahil ang taas ng tingin mo sa sarili mo. Third, hindi tayo close at wala akong balak makipag friends sayo. And fourth, i have a boyfriend."
Tumayo ako pagkatapos sabihin iyon.
Hahakbang na sana ako paalis ng marinig ang mahinang tawa niya.

"Medyo nagulat naman ako dun."
Tumayo na din si Kai mula sa bench at ipinamulsa ang mga kamay sa suot na pantalon. Nakangiti ulit siya at mukhang hindi man lang nasaktan sa mga sinabi ko.

"Well,wala namang kaso sa'kin kung ganun ang tingin mo sa'kin, sanay na din naman ako."

"Tsk, what a drama."
Tugon ko na pinaikot ang mga eyeballs ko.

"The student council's secretary just resigned, at kailangan ng kapalit as soon as possible."

"So?"

Ngumiti ulit siya at diretsong tumingin sa akin.

"You will be my secretary,Dice."

▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️
I'm sorry~
Medyo lame 😞
Sorry din at medyo busy ang lola nyo 😔
Pasensya na sa mabagal na update,hindi lang dito pero sa ibang stories ko din.

Anyways, have a good September!

The Other Side Of Miss Popular 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon