JULCHEN (The new ship)

168 5 1
                                    

DICE'S POINT OF VIEW:

"Anong ginagawa mo dito?"
Nagtatakang tanong ni Carlo kay Cheska pagkatapos kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"Oh, may meeting kasi ako kanina diyan sa likod,naisipan ko lang dumaan dito."
Nakangiting tugon nito na diretsong nakatingin kay Carlo.

"Nagpupunta ka pa'rin dito? You never changed."
Dagdag niya sabay ng maliit na tawa. Iyong poise na poise na tawa, pero bigla siyang natigilan ng mahagip ako ng mata niya. Umayos naman ako ng tayo at nagbow ng konti sa kanya.

"Oh,by the way."
Lumapit sa akin si Carlo at inakbayan ako.

"Si Dice, girlfriend ko."
Lumingon sa akin si Carlo at ngumiti. Kahit papaano ay nawala ng konti ang kirot na nararamdaman ko sa dibdib ko sa ginawang iyon ni Carlo.

"Si Cheska, childhood friend ko."

"Hi,"
Lumapit sa akin si Cheska at inalahad ang kamay.

"Nice to meet you."
Tinanggap ko iyon at ginantihan din siya ng ngiti. She's really beautiful, matangkad, mukhang mabait, at mukhang matalino. For the first time ay nakaramdam ako ng matinding insecurities sa katawan.

"Binata ka na talaga."
Ani Cheska kay Carlo. Nanatili ang paningin niya sa akin kaya nakaramdam ako ng konting pagkailang.

"Obviously."

"Right. Parang dati lang, pinapaliguan lang kita."
Medyo nanlaki ang mata ko ng mapatingin kay Carlo na natawa naman sa sinabi ni Cheska.

"Hindi na pwede ngayon, dimo nako abot."

Aba't! Is he flirting with her? Infront of me?!

Lihim kong siniko si Carlo pero tinignan niya lang ako na parang nagtataka. Tumawa naman ulit iyong Cheska at inilipat ang hawak na blazer sa kabilang braso.

"Work na naman?"
Narinig kong sabi ni Carlo habang nakatingin sa bag at blazer ni Cheska.

"Four days ka palang dito and youre working too much. Magpahinga ka kaya."

"Nagpahinga na po ako kahapon,sir."

"But its already 10pm!"
Napatingin ako kay Carlo. Halata sa mukha niya ang concern sa kausap. Andun na naman iyong kirot na iyon sa puso ko.

"I know, ano ka ba. I'm okay."
Ngumiti ulit si Cheska, hindi ko alam kung guni guni ko lang pero theres something behind that smile. Parang alanganin at nataranta.

"Sige na,ituloy niyo na yang date nyo."
Natatawang dagdag niya na parang tinataboy kami.

"And Carlo, iyong mga bilin ko sayo ha. I'll see you on Monday."

Napansin ko ang pagbuntong hininga ni Carlo bago sumagot.

"Okay."
Lumapit si Carlo kay Cheska at nagsalita ulit.

"Take care of yourself."
Ipinatong ni Carlo ang kamay sa ulo ni nito.

"Carlo!"
Bahagyang tinabig ni Cheska ang kamay niya saka natatawang hinampas ang dibdib ni Carlo.

"I know! You're taller! Wag mo ng ipamukha!"

"Can't believe youre smaller than me. Parang kelan lang tinitingala kita."

The Other Side Of Miss Popular 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon