SC PRESIDENT

175 1 6
                                    

DICE'S POINT OF VIEW:

Ilang beses kong pinindot ang pangalan ni Carlo sa screen ng cellphone ko pero hindi pa'rin siya macontact. Napabuntong hininga ako at itinuon ang paningin sa pintuan ng Office of the Student Council President. Kinausap ako ni Papa kaninang umaga na magsisimula na ako ngayong araw na ito. Nagulat nga ako dahil biglaan. Palapit na daw kasi ang Ball kaya kailangan ko'ng tumulong. Gustong gusto ko na talaga suwayin si Papa pero sabi nga ni Carlo, wala naman daw mawawala kung magtetraining ako.

Wala pa ngang nakakaalam sa mga kaibigan ko bukod kay Faye dahil hindi ko pa sila nakita magmula kaninang umaga.

Nagsimula akong kumatok sa pinto. Ilang segundo ay may narinig akong papalapit na yabag.

"Hi,"

Nakangiting sabi ni Zed na siyang nagbukas ng pinto.

"Come in."

Maluwang ang SC President Office, hindi nagkakalayo sa office ni Papa. Malaki ang table sa gitna, may maliit na living room, may dalawang pintuan sa gilid na may nakalagay na KITCHEN at Bathroom. May isang maliit na table din malapit sa pintuan. Hula ko, iyon ang table ng secretary. Nakita ko'ng nakatingin sa akin si Kai mula sa swivel chair niya. Tumayo siya at nakangiting lumapit sa amin ni Zed.

"This will be your office."
Simula niya na tinugunan ko lang ng tango.

"That's your table,"
Tuloy niya na itinuro ang table malapit sa pinto.

"That's the kitchen,"
sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya.

"May coffee maker dun just incase gusto ko ng kape—"

"Titimplahan kita ng coffee?"

Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Well, yeah, that's your job—"

"My job? Akala ko ba secretary ang kailangan nyo dito?"

"Ahhh, Dice,"
Singit ni Zed kaya napatingin ako sa kanya.

"Paperworks mostly ang trabaho dito, hindi lang pagtitimpla ng kape,"

"Good."
Tugon ko.

"Hindi kasi ako nagtitimpla ng kape sa diko ka close."

Saglit na hindi sila nakapagsalita sa sinabi ko kaya lumayo nalang ako at umupo sa table ko.

"Well, maiwan ko muna kayo,"
Basag ni Zed sa katahimikan.

"Welcome to SC, Dice,"
aniya na bahagyang tinapik ang balikat ko.

"Thanks,"
tugon ko bago siya Tuluyang tumalikod at lumabas ng office. Ipinaikot ko ulit ang mga mata ko sa kabuuan ng office na hindi pa'rin tumitingin kay Kai.

"Kailangan mo ba talaga akong ipahiya sa harap ng Vice President ko?"

Umupo si Kai sa gilid ng table ko habang naka cross arms at nakangising nakatingin sa akin.

"You know,"
tuloy niya. Tumayo siya at humakbang patungo sa table niya.

"Hindi mo naman kailangang maging rude,"

"Don't tell me what to do,"
Pagsusungit ko pa'rin saka sumandal sa inuupuan ko.

"Okay, sabi mo eh."

Tugon niya saka umupo sa swivel chair niya. Nagsimula siyang magbasa sa mga papel na nasa desk niya. Two hours past and I'm still here sitting. Nangangati na akong umuwi pero mukhang napaka dami pang ginagawa ni Kai dahil seryoso itong nagpipirma at nagbabasa ng kung anu ano.

"Uhmm.."

tumikhim ako pero tinapunan lang ako ng sulyap ni Kai.

"Can I go now?"

"No,"
tugon niya.

"I'm not doing anything naman so pwede na ba akong umuwi?"

"No."

Sagot niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Padaskol akong tumayo at nagtungo sa pinto bitbit ang bag ko. Sinubukan ko'ng buksan iyon pero naka lock.

"Pakibukas naman 'to please?"
Iritadong sabi ko. Inilapag niya sa desk ang mga hawak niyang papel kanina at tinitigan ako.

"Di'ko inexpect na ganyan ka ka-brat,"

"I'm not a brat,"
Bwisit na sabi ko sa kanya habang pinipilit paring buksan ang pinto.

"Hindi ko lang gusto dito, I hate this place okay? I dont want to work here, iyon lang,"

Hindi ko narinig ang sagot niya kaya lumingon ako. Bumalik siya sa ginagawa niyang pagbabasa at pagpipirma ng mga papel kaya naman inis akong lumapit at hinawakan ang ilang folders dun saka hinagis.

Napaangat ang mukha ni Kai mula sa ginagawa at sinulyapan ang mga papel na kumalat sa silid.

"Alam mo ba kung ano'ng kinaiinisan ko sa lahat? Iyon ay ang iniistorbo ako habang nagtatrabaho."

Bahagya akong napaatras nang tumayo siya at nakangising lumapit sa akin.

"I was trying to spare you sa mga nagdaang secretaries ko, pero I know it wont work."

Hinawakan niya ang chin ko at bahagyang iniangat iyon. Bahagya akong nakaramdam ng takot ang I just frozed. Hindi ko man lang maigalaw ang katawan ko dahil sa kaba.

"Sa ayaw at sa gusto mo,. you will work here, tutulong ka sa paperworks, and you will stop being a brat, do you understand Dice?"

Hindi ako nakaimik dahil nakatitig lang ako sa mga mata niya.

"Understand?!"

Napapiksi ako sa gulat sa sigaw na iyon.

"Sorry."
Nasambit ko at nagsimulang pulutin ang mga papel.

——————-

Hello guys! Nasa mood na yata akong ituloy to 😂 Medyo hindi ako at ease na hanggang dito lang iyong story kaya itutuloy ko na. ☺️🤣

Thank you guys!

Tin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Other Side Of Miss Popular 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon