Sweet

190 5 0
                                    

~Let's appreciate Carlo's cuteness. He's so fluffy am gonna dieee 😩😢.

 He's so fluffy am gonna dieee 😩😢

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





DICE'S POINT OF VIEW:

"Carlo.."
Sambit ko ng marinig ang tipid na 'Hello' ni Carlo sa kabilang linya ng gabing iyon. Umayos ako ng upo sa kama ko at napabuntong hininga.

"Are you busy?"
Usisa ko sa kanya. Halos isang linggo na din kaming hindi nagkakasama dahil naging abala kami pareho sa exam. At kapag nagkikita naman, sabit lahat ng friends namin at wala na kaming panahon para sa isat isa.

Nakakaramdam ako ng stress nitong mga nakaraan dahil sa dami ng iniisip at gusto ko naman sana siyang makausap dahil siya ang boyfriend ko. I know he's a bit insensitive pero bahala na. Basta I need him, I BADLY NEED HIM.

"Hindi naman,why?"
Sagot niya na ikinagulat ko. Akala ko sasagot na naman siya ng 'kinda'.

"Ah.."

"Bakit?"

Napabuntong hininga ulit ako dahil hindi ko alam kung pano sasabihin sa kanya lahat lahat ng nasa utak ko ngayon. Kinausap din ako ni Papa tungkol sa mga plano niya, kasama na doon ang pagpasok ko sa Student Council bilang secretary ni Kai.

"Kaizer is a good leader.."
Sabi pa nga ni Papa kagabi.

"He's smart and charismatic. Madami kang pwedeng matutunan sa kanya. Isa pa, makakatulong iyon sa grades mo.."
Being the SC President's secretary will improve my grades,iyon ang sabi nila. Bukod sa may dagdag na 10% lahat ng subjects, pwede akong mag excuse sa klase basta sabihin lang na may gagawin sa SC.

"Lalabas pala ako."
Aniya. Nainip siguro sa kawalan ko ng sagot.

"Ngayon na?"

"Oo."

Nakaramdam ako ng panlulumo sa sinabi niya kaya napayuko ako at hinawakan ang mga paa ko.

"Okay."
Disappointed na tugon ko.

"Magbihis ka na."

"Ha?"

"Magbihis ka, sunduin kita."

Narinig ko ang pagdrop niya ng call kaya naman natitigan ko ang cellphone ko ng ilang segundo. Wala sa sariling napangiti ako at nagmadaling tumayo.

▪️▪️▪️▪️▪️

Nakasandal si Carlo sa kotse niya ng lumabas ako ng building. Nakaitim na jeans siya, plain gray Tshirt at itim na sneakers.

Ngumiti siya sa akin ng makita ako kaya medyo pinigilan ko ang sarili kong magtatalon sa kilig. Ngumiti nalang ako bilang ganti sa kanya.

"Cute."
Aniya ng makalapit ako sa kanya.

The Other Side Of Miss Popular 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon