LUNCH

142 2 0
                                    

DICE'S POINT OF VIEW:

"Sino ka?"
Gulat kong tanong ng biglang may tumakip na kamay sa mga mata ko habang nakaupo ako sa likod ng main building ng hapon na iyon. Hindi ko narinig ang sagot ng kung sino mang nasa likod ko kaya nagsimula akong magbilang.

"Isa.."

"Carlo."
Napangiti ako ng marinig ang mabilis na sagot niya. Dati kasi ay muntik ko ng balian ng braso si Kyu ng takpan din ang mata ko at hindi nagsasalita.

Napakurap kurap ako ng tinanggal ni Carlo ang kamay sa mga mata ko.

"Dika pa uuwi?"
Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. Omoo~~

"May isang subject pa'ko. Uwi ka na?"

"Mamaya pa, diretso akong company."
Sinulyapan niya ang wristwatch niya.

"5 pa naman appointment ko, may three hours pa."
Nginitian ako ni Carlo habang nakaakbay pa'rin sa'kin. Kung sino man ang nagbigay ng potion kay Carlo, isang malaking THANK YOU!!!

"Naglunch ka na?"
Umiling ako. Hindi pa'rin maalis sa utak ko iyong sinabi ni Kai na mataba ako kaya panay ang diet ko. Pinapagalitan na nga ako ni Kuya Tristan kaya imbes na thrice a week siya pumunta sa bahay, araw araw na, just to make sure na kumakain ako ng tama.

"Kumain ka."

"Nag yogurt ako."
Tugon ko habang binubuklat ang libro ko.

"May klase ka pa mamaya. Kaya ka bumabagsak eh."
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko.

"Where are we going?"

"Canteen."
Sinubukan niyang hilain ang kamay ko pero nagmatigas ako.

"Ayoko."

"Dice."

"Ayoko nga!"
Nagpumilit akong kumawala sa pagkakahawak niya at ibinalik ang tingin sa libro.

"Sabi sa'kin ni Red, three days ka ng di sumasabay sa kanila ng lunch. Nagpapakamatay ka ba?"
Hinawakan na niya ang wrist ko at malakas na hinatak ako patayo. Kung normal na babae lang siguro, baka nabali na ang braso sa ginawa niya.

"Ayoko!"
Pagpupumiglas ko.

"Dice."
Mababa ang tono niya ng sabihin iyon pero maawtoridad iyon.

"I'm so fat na! Hindi mo ba nakikita?"
Inis kong sabi.

Nanlaki ang mga mata ni Carlo ng marinig iyon sa'kin. Lumuwang ang pagkakahawak niya sa wrist ko at pinasadahan ako ng tingin. Napansin ko ang paggalaw ng labi niya. Mas lalo akong nakaramdam ng inis ng makitang nakangiti siya.

"See?"
Irap ko at aakto sanang aalis pero pinigilan niya ako at kinabig payakap sa kanya.

"Ewan ko ba sa'yo."
Simula niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Napakadaming gustong maging kagaya mo, alam mo ba iyon?"

"I gained weight.."
Nakasimangot na parang batang sabi ko. Narinig ko ang mahinang tawa niya at ang paghalik niya sa buhok ko.

"Are you serious?"
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ulit ang kabuuan ko.

"Dapat ka ngang kumain eh. Ayoko pa naman sa mukhang skeleton."

"Sabi ko nga."
Pinulot ko ang libro at gamit mula sa bench at nagpatiuna ng naglakad.

"Sabi ko nga gutom na'ko eh."

He laughed saka sumunod sa akin.

"Baliw."

▪️▪️▪️▪️▪️

"Uy! Sa canteen nagde date oh! Naghihirap na ba tayo?"

Inirapan ko si Chen ng bigla siyang dumating kasama si Drigs. Nahinto ang pagsubo ko sa pasta.

"Where's Juliana?"
Usisa ko sa kanya. Si Carlo naman ay abala sa pagsipsip ng ice tea niyang may pink na straw.

"Ewan ko dun."

"Nasa library kasama ni Kyu."
Tugon ni Drigs na nagsimulang kumuha sa cookies ni Carlo na nakapatong sa table.

"Close na agad sila?"
Kunot noong sabi ko. Uminom muna ako ng tubig bago nagpatuloy.

"You, hindi ka ba affected?"
Itinuro ko pa ang hawak kong tinidor kay Chen. Sumimangot siya at tinignan ako na parang napaka ridiculous ng sinabi ko.

"Affected for what? Wala na kami. Gawin niya kung anong gusto niya."
Humalukipkip pa siya.

"Ba't galit ka?"

"Hindi ako galit."

"Galit ka eh—"

"Hindi nga sabi ako galit!"
Napatingin lahat ng nasa canteen sa malakas na boses ni Chen. Natawa naman sina Carlo at Drigs sa inakto nito. Napangiti ako at ipinagpatuloy ang kinakain ko habang nilalaklak naman ni Chen ang coke in can ni Carlo. Chen is really stupid. Masyadong mataas ang ego niya at ayaw aminin sa amin na gusto naman talaga niya si Juliana. I guess, mas malas pa sa akin si Juliana dahil masyadong maarte si Chen, gusto siya lagi ang sinusunod sa relationship. Napatingin naman ako kay Carlo na nakikipagpalitan ng ngiti kay Drigs na inginunguso naman si Chen. Napailing nalang ako at hinayaan nalang sila.

Naglalakad na kaming apat palabas ng canteen ng biglang mag ring ang cellphone ni Carlo.

"Hello?"
Napahinto ako sa paglalakad at tinignan si Carlo na nakikipagusap.

"What? Wai—Teka, pupunta nako."
Mabilis na ibinulsa ni Carlo ang cellphone niya sa suot na blazer at tumingin sa amin.

"I have to go."

"Akala ko ba may three hours ka pa?"
Usisa ko. Umiling siya at kumaway kina Chen at Drigs na medyo nakalayo na sa amin.

"Emergency.."

"Sino?"

"I'm sorry Dice, kailangan ni Cheska ng tulong ngayon."
Lumapit siya at hinalikan ang noo ko.

"Bye."
Sambit niya at nagmamadaling naglakad palayo sa'kin. Nakatingin pa'rin ako kay Carlo ng may magsalita sa likod ko.

"Hi,Dice."
Nalingunan ko si Kai na nakangiting nakatingin sa'kin.

The Other Side Of Miss Popular 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon