CONFLICTS

187 1 0
                                    

CARLO'S POINT OF VIEW:

"Lo,"
Nilapitan ko siya sa kinauupuan niyang rock chair sa loob ng study room ng gabing iyon. Ibinaba niya ang binabasang dyaryo at tinignan ako.

"May itatanong sana ako,"

"Death Dome?"

Bahagya akong napangiti sa sagot niya at umupo sa couch na nasa harapan niya. Alas nuwebe y media palang ng gabi pero nakasuot na siya ng kulay asul na pajama at mukhang anumang oras ay handa ng matulog. Magsasalita pa sana ako ng bumukas ang pinto at bumungad doon si Mommy.

"Son, huwag mo masyado puyatin Lolo mo. He's tired, maaga pa kami bukas,"

"Okay Ma,"
Tugon ko at ibinaling kay Lolo ang pansin. Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya kunot noonv nagsalita ulit ako.

"San kayo pupunta?"

"Check up,"
Kibit balikat niyang sagot na sa hula ko ay napipilitan lang sumama. Bumuntong hininga ako at nagsimulang magtabong.

"Lo.. kanina.. in school.."
Ibinalik niya ang tingin sa hawak na dyaryo kaya napahinto ako.

"Go on,"
He said. Nanatiling nakation ang paningin sa binabasa.

"May itim na sasakyang dumaan kanina—like what happened to Red before, buti nalang nakaiwas ang mga kaibigan ko,"
Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako.

"Nakita 'to ni Dice sa balikat ko,"
Kinuha ko ang bagay na iyon sa bulsa ng blazer ko at ipinakita sa kanya. Seryoso niyang hinawakan iyon at sinipat.

"Kala ko ba dissolved na ang Death Dome?"

Nakita ko ang pagbuntong hininga niya at bahagyang pag iling.

"70percent lang ang pag aari ko sa Death Dome,"
Simula niya na ikinagulat ko. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at inilapag sa kalapit na mesa ang dyaryo at eyeglasses niya.

"How about the remaining 30 percent?"

"Mr Lau,"
Sagot niya habang nakatayo sa harap ng malakaing bintana ng study room kung saan tanaw ang ilaw ng kalapit na siyudad.

"Pero Mr Lau is in jail,"

"Hindi lang siya ang sangkot dito, Carlo,"
Aniya.

"Maraming legendaries ang sumusunod sa kanya at sumusoporta sa plano niyang pagbawi ng buong Death Dome,"

"Pero.. bakit kami? Kami ng mga kaibigan ko?"

"Kasi ikaw.."

"Ako?"

Tumayo na din ako at nakatingin sa likuran niya.

"Alam nilang sayo ko ipapasa ang share ko—"

"Pero Lo!"
Tumaas ang tono ko ng sabihin iyon.

"Alam nyo namang ayoko! Isang malaking bangungot sakin ang lugar na iyon! At akala ko ba—"

"Carlo,"
Mababa at maawtoridad niyang sabi kaya natahimik ako.

"Ikaw lang ang pwedeng magsara sa Death Dome."
Nanghihina akong bumalik sa pagkakaupo habang di makapaniwalang nakatingin pa'rin sa kanya.

"There's another option,"
Hindi pa'rin ako sumagot sa sinabi niya.

"Ang ibigay sa kanila ang natitirang share ko and let them continue the game, it will spare us from danger at lalayuan nila tayo,"

Humarap siya sa akin na malungkot ang mukha.

"Nagsisisi ako na pinatayo ko ang lugar na iyon. Sana maintindihan mo ako, Carlo. Ayoko ng may masirang buhay dahil sa Death Dome."

The Other Side Of Miss Popular 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon