ACCIDENT

139 2 0
                                    

DICE'S POINT OF VIEW:

"Kai,pwede ba, wala ako sa mood."
Walang emosyong sabi ko habang naglalakad palayo sa kanya. Narinig ko ang mahinang tawa niya at mga yabag niya,palatandaan na sumusunod siya.

"Wala pa nga 'kong sinasabi eh."
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dahil for the first time ay magkasunod kami, and obviously, we're not in good terms.

"Hi,Pres!"
Dinig kong bati ng mga babae na nadadaanan namin kaya naman diko na naman mapigilan ang pag ismid ko.

"Leave me alone."
Pagtataboy ko dahil nakarating na kami sa hagdan papuntang klase ko pero nakasunod pa'rin siya. naramdaman ko ang kamay niya sa wrist ko.

"I just want to ask you something."
Aniya na lalong nagpainis sa akin.

"Ayoko, okay? Ayokong pumasok bilang secretary mo,so please, tigilan mo na'ko."
Hinawakan ko ang braso niya na kasalukuyang nakahawak sa wrist ko, saka malakas na itinulak siya.

"Ohhh!"

Nanlaki ang mga mata ko ng mawalan siya ng balanse at tuluyang nahulog sa konkretong hagdan na sampung baitang yata.

"Kai!"
Nag aalalang usal ko ng mapahiga siya sa sahig at mawalan ng malay.

▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️

"Sure ka po,Doc?"
Kinakabahang usisa ko sa Doktor ng University habang nakatingin kay Kai na walang malay sa kama. Dumugo ang noo niya pero wala naman daw dapat ipag alala sabi ng Doktor.

"Don't worry,Dice. Sige na, may meeting pa ako eh, iwan ko na muna kayo dito. If you need something, andyan yung nurse,okay?"
Tumango nalang ako sa sinabi niya at ibinalik ang tingin kay Kai.

"Anong nangyari?"
Agad akong tumayo ng dumating ang vice president ng Student Council, si Zed. Napatingala ako dahil halos ka height lang ni Carlo. Gosh, bakit andaming matatangkad sa SDU?

"Hi, Dice,"
Ngumiti pa siya sa'kin saka inilahad ang palad. Pilit akong ngumiti ng tinanggap iyon.

"Zed nga pala, kaibigan ni Kai."

Tumango ako at ibinaling ang tingin kay Kai.

"You think, kailangan nating siyang ilipat sa ospital?"
Napakunot noo ako ng lumapit si Zed kay Kai at tinapik tapik ang pisngi nito,more like, sinasampal pero medyo mahina lang.

"Wag na,"
Tugon ni Zed at nginitian ako. Nangunot ang noo ko dahil parang hindi man lang siya worried sa kaibigan niyang may patch sa noo.

"Hindi naman nabasag ang bungo, diba?"
Nagulat ako ng hawakan niya ang ulo ni Kai at bahagyang iangat iyon.

"Hindi naman diba?"
Sabi pa niya saka ginalaw galaw iyon.

"Ahhh—Yeah yeah,"
Mabilis akong lumapit at pinigilan siya sa ginagawa niya.

"Can we call his parents?"

"Ahh, I dont think thats a good idea,"
Prenteng umupo si zed sa kama kung saan nakahiga si Kai.

"Why? Dapat lang nila malaman—"

"Well, his mom is busy saka— aray!"
Biglang tumayo si Zed mula sa kama habang haplos haplos ang tagiliran niya.

"What happened?"
Nagtatakang usisa ko saka lumapit kay Zed.

"Are you okay?"

"Yeah,I'm fine! I'm fine!"
Tugon niya at umalis sa kinatatayuan niya. Pumunta siya sa pwesto ko kanina at umupo doon. Nagtatakang tinapunan ko ng tingin si Kai na wala pa'ring malay sa bed.

"Rayuma lang!"
Nakangising sabi ulit ni Zed na napapangiwi habang hinihimas pa'rin ang tagiliran niya.

"So, can we call his parents now?"

"No!"
Tumaas ang mga kilay ko sa inakto niya. Weird.

"I mean, no, ako nalang bahalang magsabi sa kanila."

"Are you sure?"

"Yeah, dont worry! Ako ng bahala kay Kai!"
Pilit nalang akong ngumiti at nagpaalam kay Zed. Pero bago iyon ay lumapit ako kay Kai at tinitigan siya. Honestly, he is really pretty. Kung hindi lang siguro pervert at ubod ng kulit ay hindi niya susungitan. Napabuntong hininga ako at bahagyang hinaplos ang ulo niya.

"Sorry."
Sambit ko while stroking his wound. Nakaramdam ako ng guilt dahil ang mean ko naman talaga sa kanya. And worst, hindi ko napigilan ang lakas ko kanina kaya nahulog siya sa hagdan.

"Sige."
Paalam ko kay Zed habang pilit ang ngiting kinukuha ang bag ko mula sa kinauupuan niya.

"Tatawag nalang ako sa clinic mamaya. Sure ka bang ikaw na magsasabi sa parents niya?"

Tumango si Zed na nakangiti pa kaya lumabas nalang ako doon.

THIRD PERSON'S POV:

"Pre, male late na tayo sa game. Matutulog ka nalang ba dyan?"
Kakamot kamot ng ulong sabi ni Zed habang nakatingin sa kaibigan. Bigla namang iminulat ni Kai ang isang mata at ng masigurong wala ng ibang tao ay tumayo na siya mula sa pagkakahiga na parang walang nangyari.

"Tsk."
Ani Zed na inaabot ang bag ni Kai sa binata. Kinuha naman ni Kai ang isang salamin na nakalagay sa side table at tinignan ang sarili. Nahaplos niya ang ulo at napangiwi.

"Drama mo lang ba iyon kanina?"
Zed asked,tinutukoy ang pagka aksidente niya. Napangisi naman siya at nagsimulang maglakad palabas ng clinic.

"Siguro."
Aniya at tinanggal ang tape na nasa noo.

The Other Side Of Miss Popular 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon