DOUBTS

187 4 0
                                    

DICE'S POV:

GIRLS! Lets go shopping! 😊

Habang hinihintay ang toasted bread ay tinype ko yun sa group chat namin nina Trixie, Lux, Faye and Rhia ng umagang iyon ng linggo. Ilang minuto lang at sunod sunod na ang pagreply nila ng 'Good Morning' sa'kin.

ME: So, what's the plan? 11am?

FAYE: Sorry guys, cant make it. May date ako 😔

TRIX: Sinong kasama mo?

FAYE: Malamang jowa ko. Duh, Trixie 😑

TRIX: May lakad din ako Dice, sorry. Maglalunch kasi ako kina Vince mamaya.

LUX: Aww, ako din Dice! 😭

ME: Okaaaay 😢😔

TRIX: Where you going naman Lux?

LUX: Secret 😝

TRIX: Magtapon ka naman ng flowers sa room mo! Nagmumukha ng garden! May rasyon ka teh?

LUX: omg yes! Kilala ko na siya 😍

TRIX: Kilala mo na yung stalker mo?

LUX: FYI secret admirer, not stalker

TRIX: Short for gwapo?

LUX: whatever Trixie.

TRIX: Alam niyang player ka ng Death Dome, kalaban yan for sure.

ME: Hala... 😱

LUX: ITS DYLAN OKAY? Napaka nega mo Trix! Jealousy is bad 😡

TRIX: Excuse me, allergic ako sa flowers so sorry. Ipapakilala na ako mamaya ni Vince sa buong angkan niya 🤗

FAYE: Congrats Trixie!

ME: Congrats Trix! Hahaha

LUX: Whatever

RIAH: Dice! I'll go with you!

ME: are you sure? Baka may lakad kayo ni Kurby..

RIAH: no, its fine. Kakasawa na mukha ng taong yun. See you! 😘

So ang bagsak, dalawa lang kami ni Riah ang natuloy.

"How's Carlo pala?"
Habang pumipili ng damit ay tanong ni Riah sa akin.

"Okay naman."

"Sure ka, Dice?"
Napalingon ako kay Riah na may hawak hawak na blue dress. Nakatingin siya sa akin at mukhang naghihintay ng sagot ko. Ngumiti ako at tinanguan siya.

"Oo naman no."
Kinuha ko ang isang puting off shoulder dress at ibinigay iyon sa kanya.

"Try this one, mas bagay sa'yo 'to."
Kinuha niya iyon sa'kin at itinapat sa sarili niya. Riah is taller and skinnier than me. Siya iyong may katawang pang runway sa grupo namin kaya naman gustong gusto ko siyang pilian ng damit. Para kasing barbie.

"Let's go out naman minsan,Dice. Tayong lima kasama mga jowa."

Naglakad siya patungo sa fitting room kaya sumunod ako. Konti lang ang tao sa loob ng boutique at may dalawang maluwang na fitting room doon.

"I'm not sure, alam mo naman si Carlo."
Tugon ko habang umuupo sa maliit na couch.

"Are you guys okay? Geez. Kung umasta si Carlo parang walang girlfriend ah."
Pumasok si Riah sa loob habang ako naman ay nasa harap ng maliit na pinto na pinasukan niya.

Medyo nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi nalang ako umimik. Totoo naman kasi. We're like... the old Dice and Carlo before naging 'kami'. Kung tutuusin, malayong mas close pa si Red sa'kin dahil lagi akong sinasamahan sa school. And there's no sign of jealousy sa part ni Carlo. Parang alam na alam niyang mahal ko siya at hindi ko siya kayang ipagpalit and it annoys me so much. Naiinggit talaga ako ng bongga sa ibang couples sa school.

"So, how do I look?"
Lumabas si Riah at umikot sa harap ko.

"I—"

"Beautiful, Babe."

Sabay kaming napatingin ni Riah sa likod ko. Nakangiti doon si Kurby habang nakahalukipkip na nakasandal sa pintuan papasok sa fitting room.

"Babe, ilang beses ko bang sinabi sayo na dika pwedeng basta basta nalang pumapasok sa fitting room!"

Pailing iling pa si Riah ng sabihin iyon pero nilapitan pa'rin ang nobyo.

"Sorry.."
Nakangiting sagot ni Kurby at hinalikan sa pisngi si Riah.

"Hi Dice!"
Bati niya ng tumingin sa'kin.

"Hello."
Nakangiting tugon ko. Mukha ng normal na college guy si Kurby after niya magquit sa Death Dome. Dati kasi, laging nakasimangot at parang pasan lahat ng problema sa mundo. Pero ngayon, maliwanag na ang aura niya at mukhang masaya talaga sila ni Riah. Kainggit.

"Babe, pinuntahan kita sa bahay nyo pero wala ka. It's Kylie's birthday, remember?"

Saglit na natigilan si Riah bago tinampal amg sariling noo.

"OMG! I forgot!"
She looked at me na parang humihingi ng paumanhin kaya ngumiti nalang ako.

"I'm fine. Future pamangkin mo 'yun kaya kelangan mong pumunta."

"I'm sorry, Dice."

"Sus, okay lang ako."
Lumapit ako sa kanya at tinulak siya palabas ng fitting room.

"I'll call Red nalang para samahan ako, dont worry."

Panay ang sorry ng dalawa sa akin pero itinaboy ko na sila. Naglakad lakad nalang ako sa loob ng mall para magpalipas ng oras. Nahiya naman akong tawagan si Red dahil alam kong busy yun ngayon. May culinary class pa kasi siya. Naisipan kong tawagan si Carlo pero hindi niya sinasagot.

ME: Where are you?

CARLO: Home

ME: Are you busy?

CARLO: kinda

ME: What are you doing

CARLO: Reading

Nakaramdam ako ng inis ng mabasa iyon. So, kaya pala hindi sumasagot ng tawag dahil busy siya sa pagbabasa! Hindi nalang ako nagreply dahil nabubwisit talaga ako. Pumasok ako sa isang boutique ng mga sapatos at tumingin tingin. Abala ako sa pakikipagusap sa saleslady ng tumunog ang cellphone ko.

CARLO: Dice..

ME: what

Ilang minuto na ang lumipas pero wala na akong nareceive na reply ni Carlo.
Nakatingin lang ako sa phone ko at naglalakad patungo sana sa counter ng may bumangga sa'kin. Napahakbang lang ako ng isang beses, samantalang iyong nakabangga ko ay napaupo sa sahig.

"Ohh, sorry!"
Bulalas ko at nilapitan ang lalakeng iyon. Nagulat ako ng iangat niya ang ulo niya.

"Kai?!"

The Other Side Of Miss Popular 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon