"Hey" sabi nung isang guy na lumapit sakin dito sa may bar.
Napatingin ako dun sa tabi ko na nagsalita. Sheems ang pogi naman neto. Whooo poise Chelsea poise.
"Hi" sabay ngiti.
Sino ba naman hindi mapapangiti kung ganto ka gwapo yung nasa harap mo. Ay ang landi mo chelsea masyado ka nang nagpapahalata na crush mo agad siya.
"Franco" pagpapakilala niya.
"So wanna grab some drinks?" Tas nagsmirk siya.Yung smirk niya alam niyo yun, yung parang may masamang balak.
Di naman sa judgemental ako pero feeling ko talaga eh. Huhuhu pinsan asan ka na ba? T^T
"Uhmm a-ano kasi.. May kasama ako.. Ahh s-sige ah baka hinahanap niya na ko"
Patayo na ko ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
Patay.
"Aalis ka na agad?!" Shems nakakatakot siya.
"O-oo eh. Ano sige b-bye na!" Bigla ako naglakad paalis. Di pala lakad kasi halos tumakbo nako
Ng biglang..
Bugshh!
Nakapikit parin ako inaantay kong humampas yung muka ko sa sahig, pero teka bat..bat parang hindi sahig to??
Pagkadilat ko..
Nanlaki yung mata ko, ay mali pati mata nung lalaki nanlaki din.
"S-ssorry!!" Yun lang lumabas sa bibig ko na halos nakadikit din sa labi niya.
"What the fuuck?!?!!!" Halos lumabas yung puso ko sa lakas sigaw niya samahan mo pa ng nanlilisik niyang mga mata. Napatayo ako bigla tapos bigla akong tumakbo palabas sa lugar na to.
Pero bago pako makalabas ng tuluyan..
"Lagot ka sakin pag nakita pa ulit kita! Kung ako sayo magtago ka na kasi hahanapin kita!!"
Patay. Ayy hindi kasi double dead na pala ako ngayong gabi. T^T
BINABASA MO ANG
Falling for you
Teen FictionNaniniwala ka ba sa love at first sight? Yeah i know mahirap paniwalaan Pero di naman natin malalalaman Kung di natin mararanasan "Hey" sabi nung isang guy na lumapit sakin dito sa may bar. Napatingin ako dun sa tabi ko na nagsalita. Sheems ang p...