Chelsea's POV
Puti?? Ang liwanag naman. Bakit puro puti nakikita ko?? Teka don't tell me...
"Baby! You're awake!" Mom?? So ibig sabihin buhay ako
"Ano may masakit ba sayo?" -dad
Tinry kong umupo pero "Araaay" tapos napahawak ako sa ulo. Fudge my head hurts.
"Sige na higa ka muna, tatawagin ko yung doctor." -dad
Humiga na ko. Grabe hinang-hina ako pero gusto kong itanong kay mommy yung buong nangyari. Si Denise! Okay lang ba siya?? Pano kami nakaligtas??
"Mommy anong nangyari? Si Denise po?"
"Okay na si Denise andun siya sa kabilang kwarto."
Nung sinabi ni mom yun medyo kumalma nako. Atleast okay na si denden. Hindi ko kasi talaga kayang tumayo pa sobrang nanghihina parin ako kaya nakatulog ulit ako.
Zach's POV
"Okay na po sir" sabi nung nurse na gumamot sa mga sugat ko.
Pag kasabi niya nun pinuntahan ko agad sila Mark. Alam ko naman okay lang sila, sanay naman kasi kami makipaglaban.
"Dude nagising na daw si Chelsea kanina." Sabi ni Troy
"Tara." Tapps pumunta na kami sa may room niya. Sinalubong kami nung parents niya. Kanina pa sila thank you ng thank you samin lalo na yung mommy niya.
"Okay na ba kayo? May masakit ba? Dapat umuwi na muna kayo para makapagpahinga na kayo" Tanong nung mommy niya
"Hindi po, okay lang po kami. Thank you din po" -josh
"Si Chelsea po, okay na po ba siya?" -troy
"Ahh oo, sige na gusto niyo ba siyang dalawin? Pasok na kayo."
Pagpasok namin nakita ko agad si Chelsea. Tulog siya. Lumapit ako sa may tabi niya tapos nakita ko naman yung bandage niya sa may ulo. Tangina. Nahuli kasi ako ng dating. Sorry Chlesea.
"Buti nalang okay na si CK." -Josh
Tahimik lang kami sa loob. Ewan ko kung bakit ang tahim nunh mga loko. Maya maya. "Dude ano? Tara na?" Sabi ni josh. Nakatingin sila sakin. Ayoko pa umalis. Gusto ko pa siya bantayan.
Nagets naman ata nila na ayaw ko pang umalis. "Sige dude una na kami." -troy
"Wag mo lang masyado titigan baka matunaw. Hahaha" -josh
Mga loko talaga. Palabas na sana sila nung bumukas yung pinto.
"Oh aalis na ba kayo?" Yung mommy ni Chelsea
"Ahh opo tita, bakit po?" Sabi naman ni Mark.
"Kakain lang sana kami sandali pero tatawagin ko nalang si manang."
"Hindi na po kelangan, Maiiwan naman po si Zach" -troy
Tapos napatingin naman sila sakin. Nakakahiya naman baka kung ano isipin nila. Yung tingin nung daddy niya nakakatakot. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.
"Okay lang ba Zach?" Tanong nung daddy ni Chelsea.
Whoo pinagpapawisan ako..
"Ahh o-opo." Natutuyo yung lalamunan ko. Tapos bigla namang nagsitawanan yung mga kaibigan ko. Makakatikim tong mga to sakin.
Natawa nalang din yung parents ni Chelsea. Tss muka na ba kong clown.
"Sige, iwan muna namin kayo." Nakangiting sabi nung mommy ni Chelsea.
Nung nakaalis na sila, dun lang ako nakahinga ng maayos. Tss parang na hot seat ako dun ah. Pagkatingin ko kay Chelsea nakatingin na din pala siya sakin.
Chelsea's POV
Ang ingay naman, parang andaming taong naguusap? Pagkadilat ko nung mata ko nagulat ako kasi si unggoy nandito. Bakit siya andito?? Nung tumingin siya sakin nagulat din siya kasi nakatingin lang ako sa kanya. Bigla naman siya umiwas ng tingin.
"A-ano.. Kasi ano kakain lang daw yung parents mo kaya ako muna yung pinagbantay nila."
Hindi ako nagsasalita.
Hindi din siya makatingin sakin.
Hahahahha nahihiya ba siya? Nakakatuwa naman marunong pala siya mahiya.
Ayun so wala talagang nagsasalita samin ng ilang minuto. Parang nagpapakiramdaman lang kami kung sino unang magsasalita.
Antahimik namaaan.
Zach's POV
Tahimik lang akong nakaupo. Di ko kasi alam sasabihin ko. Pati din naman siya di din nagsasalita. Haaay konti nalang mapapanksan nako ng laway dito..
"Okay ka lang ba?" "Uhhm Zach?"
Ano ba yan nagkasabay pa kami.
"Ano yun? Bakit may masakit ba?"
"Sila mommy kanina pa ba umalis?" Ahh akala ko naman kung bakit yun lang pala.
"Kakaalis lang nila. Bakit?"
"Ahh wala wala."
Tss ayan wala tahimik nanaman siya. Parang may malalim na iniisip. Syempre yung nangyari kanina malamang na trauma yun. Bakit nga ba di mo agad naisip yun Zach.
"Zach" halos pabulong niya lang yun sinabi kaya naman kinabahan ako.
"Bakit?" Napatayo naman ako baka kasi may masakit sa kanya tatawag na sana ako ng doctor.
"A-ano kasii.." Di siya makatingin sakin ng diretso.
"Ano nga??" Shit naman bakit ba ayaw niya sabihin sakin. Pano ko malalaman kung may masakit na pala sa kanya.
"Teka tatawag nako ng doctor" paalis na ko para tumawag ng doctor pero bigla akong pinigilan ni Chelsea.
"Ano ba kasi yun? Sabihin mo na kasi kung may masakit sayo!"
Umiwas muna siya ng tingin tapos..
"Eh kasi ano... naiihi na ko.."
BINABASA MO ANG
Falling for you
Teen FictionNaniniwala ka ba sa love at first sight? Yeah i know mahirap paniwalaan Pero di naman natin malalalaman Kung di natin mararanasan "Hey" sabi nung isang guy na lumapit sakin dito sa may bar. Napatingin ako dun sa tabi ko na nagsalita. Sheems ang p...