Zach's POV
"Pssst."
Sino ba yun ang ingay natutulog ako eh.
"Psssst.. Zaach.."
Tss. Ano nanaman, magpapapansin nanaman ba tong katabi ko? Di ko nalang pinansin. Nakayuko pa rin ako.
"Zaaach"
Kinalabit na niya ako. Poke. poke.
"What?!" Medyo mahina pero halata naman niya siguro na inis ako
"May pinapagawa kasi si sir, ipapasa daw ngayon." Nginitian niya ako akala mo naman maganda eh mas maganda pa ngumiti sa kanya si ano... Tss bakit ba siya nanaman iniisip ko. Ginulo ko nalang yung buhok ko tapos ginawa ko na din yung pinapagawa nung prof.
Maya maya nakita ko sa may pintuan yung dalawang kaibigan ni CK. Anong ginagawa nila dito? Tss wag mo sabihin nangiistalk din sila.
Nakatingin sila sakin pero di sila pinansin. Bumalik ako sa ginagawa ko.
"Mr. Santos?" Sabi nung prof namin.
Napatingin naman ako sa kanya tapos sinenyas niya na may naghahanap sakin.
Pagtingin ko sa pinto andun parin yung dalawang kaibigan ni CK. Tss. Tinignan ko lang sila, alangan namang sayangin ko yung oras ko sa kanila eh may ginagawa ako.
Halata ko na naiinis na yung isang babae tas yung isa naman parang inaawat na siya tapos parang naiiyak.
Yung mga classmates ko napatingin na din sa kanila. Ano bang ginagawa nila dito?
"CRIS ANO BA!! TARA NA, WALA NAMANG PAKIALAM YAN KAHIT NA NAKIDNAP SI CHELSEA EH!!"
ANO?!?!!
Napatayo agad ako sa upuan ko tas tumakbo palabas.
"ANONG NANGYARI KAY CHELSEA?!"
"ANO BANG PAKI MO!"
"ANO NGA!!" Tangina naman neto ayaw pa sabihin.
Tatakbo na sana ako palabas para sa iba magtanong pero biglang nagsalita yung isa.
"May kumuha kila Chelsea na puting van ngayon la.."
Bzzzzt bzzzzzzt
Nagvibrate yung phone ko, pagkatingin ko kung sino yung tumawag. Si Mark.
"Dude si Chelsea nakidnap. Hinahabol ko yun van sumunod na kayo.."
Sinabi din ni Mark sakin kung saang lugar na sia para makasunod na sila.
Sakto sa may parking dumating din si Troy at Josh. Sumakay kami sa motor namin tapos pinaharurot na namin.
Chelsea's POV
Aaaaahh. Araaay yung ulo. Ansakit.
Tumingin ako sa paligid. Asan ba ko? Ang dilim. Tinry kong tumayo pero nakatali yung paa at kamay ko. Then it hit me. Na kidnap ako. Naiiyak nako. Sobrang natatakot ako tapos yung ulo ko ansakit. Hinawakan ko yung sa may noo ko kahit nakatali yung kamay ko pagkatingin ko. Fuck may dugo.
Maya maya may narinig akong parang umiiyak. Teka si Denise ba yun?
"D-deniise?" Nangangatog yung boses
"Chelsea? I-ikaw bba y-yaann?" *sniff* umiyak na talaga siya
"Okay kka lang baa?" Pinipigilan ko yung iyak ko kase kung pareho kaming iiyak pano na huhuhu please naman tulungan niyo po kamiii
Gumapang kami papalapit sa isa't-isa. Nung nakalapit na kami mas laong lumakas yung iyak niya. Hagulgol na naiiyak nadin ako. Pero bukod samin may iba pang mga umiiyak ibig sabihin hindi lang kami yung na kidnap.
Maya maya pa bumukas yung ilaw. Nasa bodega pala kami. Tama nga ao hindi lang kami ni denise yung nakidnap. Lima kaming studyante na babae. Andami ding lalaki na may baril.
"Mukang tiba tiba tayo dito mga chong!" -Kidnapper 1
Lalo namang nagsiiyakan yung mga kasama ko.
"Pwede ba tumahimik nga kayo!" Kidnapper 2
Hindi parin kami tumitigil sa pagiyak
Lumapit yung isang lalaki samin. Parang namimili siya. Yung tingin niya sobrang nakakatakot lalo na nung sakin na siya nakatingin."Pwede naman siguro muna nating tikman tong mga to?" Tapos hinawakan niya yung muka ko. Umiiyak na din ako. Di ko na alam gagawin ko. Nilalapit niya na sakin yung muka niya pero bigla ko naman iniwas yung muka ko sa kanya at dahil dun di ko na alam yung mga sumunod na nangyari...
BINABASA MO ANG
Falling for you
Teen FictionNaniniwala ka ba sa love at first sight? Yeah i know mahirap paniwalaan Pero di naman natin malalalaman Kung di natin mararanasan "Hey" sabi nung isang guy na lumapit sakin dito sa may bar. Napatingin ako dun sa tabi ko na nagsalita. Sheems ang p...