Chelsea's POV
Friday
Takbo Chelsea! Takbo!! Shit dalian mo Chelsea maaabutan tayo nung mga lalaki na yun!
"Ooppss! Wrong turn!" Biglang may sumulpot na lalaki sa pinasukan kong isang iskinita. Shit. Tumalikod ako at tumakbo palayo sa lalaki pero sa dulo may lalaki na nakaharang.
"Where do you think you're going??"
Im trapped. Help me please!
"May balak ka pang tumakas ah."
Tatlo na silang napapalibutan ako.
Lord mabait naman po ako diba?? Oras ko na po ba talaga?? Huhu wag naman po sana muna. Naiiyak nako. T^T
Nang biglang may dumating na isa pang lalaki. Akala ko kakampi siya nung tatlo pero bigla niyang sinuntok yung dalawang lalaki..
Nilahad niya yung kamay niya sa harap ko..
"Okay ka lang ba?" Nakangiti niyang sabi sakin. Ang pogi naman neto, siya na ba yung night in shining armor ko? Hahawakan ko na sana yung kamay niya pero..
"Ahhhhh!! Sa likod mo!!!" Sigaw ko.
Napatingin ako sa paligid ko.. Kwarto ko to ah?? Teka panaginip lang ba yun??? Whoooo!! Buti nalang. Haaay akala ko totoo na eh. Grabe binabangungot na ata ako eh.
Pero panaginip laaaang?? Pano yung night in shining armor ko?? Akala ko pa naman makikilala ko na siya!
Baka naman sign yun na malapit ko na siya makilala.Pagtingin ko sa orasan. 5:30 am. Shoot! Malalate ako neto eh! First class ko pa naman yung quiz eh pag late ka di ka na makakapagtake. Kahit na may 15 mins grace period strict kasi yun si maam. Bawal din special kung hindi valid yung reason mo. Naku namann.
Naligo lang ako tas bihis tas yun diretso alis nako di nako nakapagbreakfast.
Pagkababa ko ng jeep sa may labas ng school 7:15 palang! Yes! May 15 mins pa ko.
Habang naglalakad ako papasok bigla akong natalisod, ayy hindi pala tinalisod pala ako nung mga babae na nadaanan ko. Nadapa ako sa ginagawa nila kaya naman nagtawanan sila.
Di ako yung tipo ng babae na nakikipagaway kaya pinulot ko nalang yung mga nalaglag kong gamit tsaka ako tatayo at aalis.
Pero nung kukunin ko na yung ballpen ko na gumulong sa medyo malayo biglang may pumulot tsaka lumapit sakin.
Inilahad niya yung kamay niya sa harap ko.
" Okay ka lang ba?" Tapos nginitian niya ako.OMG! Familiar to ah? Diba ganto din yung sa panaginip ko?? Yung night in shining armor ko ililigtas ako sa mga bruhang to.
"Uy Chelsea, okay ka lang ba?" Worried niyang tanong. Oh no nag space out pala ako. Nakakahiya.
"Ahh. Ah o-oo. Okay lang a-ako." Shit bakit ako nauutal?? Tinawag niya ko sa pangalan ko. Feeling namumula yung pisngi ko. Tss.
"Okay ka lang talaga?? Eh dumudugo kaya yung tuhod mo."
Napatingin ako sa tuhod ko. Oonga no, pero gasgas lang naman.
"Ano di mo ba talaga tatanggapin yung kamay ko? Medyo nangangawit na kasi ako eh. :)" nginitian niya nanaman ako. Whoo bakit po biglang uminit? Hahaha.
Nahiya naman ako kaya kinuha ko na yung kamay niya tsaka niya ko tinayo at inalalayan papasok.
Napansin kong madami nanamang nakatingin sakin ng masama kaya napayuko ako. Naalala kong may quiz nga pala kami kaya sasabihin ko sa kanya na mauuna nako
"Uhm. A-ano.."
"Mark"
"Huh?" Napatingin ako sa kanya
"Wala, maganda ka sana kaso bingi ka lang." Biro niya
"Ahh." Yun lang nasabi ko kasi nahihiya ako.
"Di ka din mapilit eh no? Hahaha." Tumawa siya pero yung manly. Sige na pogi ka na. Tss.
"Sabi ko Mark yung pangalan ko.:)" Palagi nalang siyang nakangiti, kaya madaming naiinlove sa kanya eh.
"Ahh.:)" ngumiti din naman ako. "Sige uhm a-ano Mark kasi may quiz pa ko ngayon eh, late na nga ako. Una na ko ah??"
Paalis na sana ako kaso hinila niya ako sa kung saan. Ako naman etong nagpahila. Haaay. Kung ganto ba naman kagwapo yung hihila sayo choosy ka pa ba? Hahahha Chelsea tumigil ka! Yung quiz mo!
"San ba tayo pupu-"
"Good morning po! Yung kaibigan ko po kasi nadapa palinis naman po yung sugat. :)" nakangiti niyang sabi sa nurse. Jusko pati ba naman nurse kinikilig din.
Sa clinic lang pala.
Pagkatapos gamutin nung nurse yung sugat ko, napasin njya na may hinahanapa ko.
"Yung boyfriend mo ba? Ayun nauna na daw siya may class pa daw kasi."
Nagulat naman ako sa sinabi niya na boyfriend ko daw pero syempre kinilig din ako. Haha landi na tssk."Ahh hindi ko pa siya boyfriend. Haha. Uhmm ano sige po thank you po."
"Oh eto. Excuse letter para sa quiz mo." Sabay abot ng isang papel.
"Thank you po ulit! :)"
BINABASA MO ANG
Falling for you
Teen FictionNaniniwala ka ba sa love at first sight? Yeah i know mahirap paniwalaan Pero di naman natin malalalaman Kung di natin mararanasan "Hey" sabi nung isang guy na lumapit sakin dito sa may bar. Napatingin ako dun sa tabi ko na nagsalita. Sheems ang p...