Prologue

41.3K 907 102
                                    

Prologue

"Hinding hindi niyo ako matatakasan!" Sigaw ng isang lalaki na naka suot ng itim na balabal.

Kasabay ng pag sigaw niya ay ang pagpapakawala niya ng itim na mga bola sa kanyang palad.

Lalong nataranta ang magkakaibigan sa kanilang nasaksihan.

Agad silang nagtakbuhan at nagtago sa isang malaking puno.

"Kahit saan kayo magtago ay mahahanap at mahahanap ko pa rin kayo!" Nakakatakot na sigaw ng lalaki.

"B-bakit may itim na bola ang lumabas sa kanyang mga kamay?" Nanginginig na tanong ng isa sa kanila.

"Mahika." Makahulugang sagot ng isa.

"Mahika?Magic?" Pagtatanong ng isa pa.

"Oo, pero hindi ito ang panahon para ipaliwanag sainyo ang ganung mga bagay." Seryosong sabi nito habang nakatanaw sa lalaking pilit silang hinahanap.

Tahimik silang nagmamasid at nakikiramdam sa paligid, wari'y may mali sa kanilang nararamdaman.

Hindi nila alam kung bakit sila napunta sa lugar na ito.

Hindi nila alam kung bakit at paanong nangyari na may humahabol sakanila ngayon na may dala-dalang mahika sa kanyang katawan.

Hindi normal sa kanilang paningin ang kanilang nasasaksihan ngayon sa lalaki na iyon.

"Huli kayo!" Nakakatakot na sigaw ng lalaki.

Hahawakan niya sana ang isa sa mga magkakaibigan nang biglang binato siya ng isang misteryosong lalaki na nakamaskara at may kasama rin itong babae na nakamaskara rin.

Napangisi ang lalaking may itim na balabal ng makita niya ang dalawang ito na pumipigil sa kanyang mga plano.

"Lapastangan!" Galit nitong sigaw sabay bato ng itim na bola.

Agad namang nakaiwas ang kasama nitong babae at gumanti rin ito.

Binato niya nang nakalalasong kutsilyo ang lalaki na iyon ngunit naiwasan niya ito.

Pero ang hindi alam ng lalaki ay pabalik na sa kaniyang pwesto ang kutsilyo na kanina lang ay nailagan niya.

Nang tumarak ito sa kanyang likod ay napaluhod siya.

Habang nagaagaw buhay ang lalaking natamaan ng kutsilyo ay abala naman sa paggawa ng portal ang kasama nung babae.

Nang matapos niyang gawin ang portal ay isa isa nyang tinulak ang magkakaibigang babae na nawalan ng malay dahil sa sobrang takot.

Hinila na rin ng lalaki ang kasama nitong babae tsaka sinara ang portal.

Sa kabilang banda ay naglaho na parang bula ang katawan ng lalaki kanina pa nag-aagaw buhay.

"Babalikan ko kayo." Matigas nitong sabi.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hey ! Im back. Namiss niyo ba ko? Lol. Bumalik ako para ayusin 'to. For real. Pero I dunno if tuloy tuloy. Just stay tuned.

So how's the prologue? Any opinions?

Comment down below.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon