Chapter 10: Welcome To Crystal Academy (Part 2)

12.6K 367 9
                                    

Chapter 10: Welcome To Crystal Academy (Part 2)

Skye's POV

~I woke up, Kinda late, All good, Thank God, Hit the shower, Hit the closet, Hit the mirror, Stay Fly~

*Yawn*

Good Morning!

Isang bago at maayos na araw para saakin at sa mga kaibigan ko.

Inaayos ko na ang higaan ko at agad akong dumiretso sa labas ng kwarto ko.

Nakakatuwa na may apat na kwarto dito at hindi ako makapaniwala na nagkasya iyon dito.

Sa labas kasi ay mukhang maliit lang ang loob nito pero kapag nakapasok ka na ay magugulat ka na parang nasa loob ka lang ng isang malaking bahay.

"Good Morning!" Masayang bati ko sa mga kaibigan ko.

"Good Morning rin!" Pagbati naman nila.

"Uhm, Ako na lang muna magluluto tutal nakaligo naman na ako eh." Pagvovolunteer ni Jewel.

Agad kaming napangiti dahil minsan lang namin matikman ang luto ni Jewel.

Nung unang beses niya kasi kami pinagluto ay masarap talaga.

"Sige!" Masaya naming sabi sabay diretso ulit sa mga kwarto namin.

Pumasok na ako sa bathroom ng kwarto ko at doon ay binuksan ko ang shower.

Bumuhos dito ang medyo malamig na tubig at doon nagsimula ang pagmumuni muni ko.

Napapaisip na lang talaga ako na sa dami ng napagdaan namin ay nandito na kami at magkakasama pa rin.

Hindi pa rin namin nalulutas ang problema namin kay Psycho at wala kaming alam kung anong atraso ang nagawa namin sakanya.

Simula pa lang ito.

At sa tingin ko ay hindi lang si Psycho ang gustong pumatay samin.

Ewan ko ba.

At hindi na mawalay sa pakiramdam ko ang panganib simula ng tumapak kami sa lugar na ito.

Nang matapos na akong maligo ay agad kong isinuot ang uniporme namin.

Dalawang klase ng uniform ang binigay saamin.

Yung isa ay kulay puti na long sleeve na may bulsa sa may bandang itaas ng kaliwang dibdib at sa bulsa na iyon ay may logo ng level na kinabibilangan namin.

Papatungan mo pa ito ng blazer na kulay navy blue at meron itong logo ng Crystal Academy na nakalagay sa itaas ng kanan na dibdib at sasamahan mo pa ito ng kulay black na necktie na may stripes na kulay pula.

Ang palda naman namin ay kulay gray na before the knee at paparesan ito ng mahabang kulay itim na medyas at itim na sapatos.

Sabi ni Austin ay uniporme daw iyon tuwing magaaral lang kami sa room.

Yung isang klase naman ng uniporme ay gagamitin lang daw tuwing may training kami.

Kulay itim na polo na may bulsa rin sa bandang itaas ng kaliwang dibdib, may logo rin ito ng level na kinabibilangan namin at papatungan mo ito ng blazer na kulay gray at may logo ito ng Crystal Academy sa may bandang itaas ng kanan na dibdib.

Ang pang ibaba naman ay slacks na kulay black at mayroon itong apat na bulsa, dalawa sa harap at dalawa sa likod.

Paparesan mo ito ng  maiksing kulay itim na medyas at itim na combat shoes.

By the way, lahat ng slacks namin ay nakabaston saamin kaya hapit na hapit ito kapag suot namin at ang mga blazer namin ay may secret pocket for small weapons namin.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon