Chapter 6:Introduction (Emerald Kingdom)

15.8K 452 29
                                    

Chapter 6:Introduction (Emerald Kingdom)

Rain's POV

Nagising ako dito sa loob ng isang kwarto.

Natutuwa ako na lahat ng iyon ay panaginip lang pala at magigising ulit ako dito mismo sa aking kwarto.

Babangon na sana ako pero hindi ko maigalaw ang aking katawan.

Hindi ako makapaniwala na naparalisa pa yata ako sa bangungot na iyon.

"Prinsesa."

Nagulat ako sa aking narinig.

Nakita ko ang isang babae na nakaupo sa swivel chair ng study table ko.

"Buti naman at nagising ka na." Masaya nitong sabi.

"Sino ka ba? Bakit nandito ka sa kwarto ko?" Naiinis kong tanong.

"Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga ay nandito ka na." Nakangiti nitong sabi.

"Ano bang sadya mo dito?" Mahinahon kong sabi.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"Maghanda ka. Malapit ng magsimula ang lahat." Makahulugan nitong sabi at biglang nawala sa paningin ko.

Napa-nganga na lang ako dahil sa mga pinagsasabi niya.

Nang bigla na lang siyang nawala na parang bula ay tsaka ko lang naigalaw ang buo kong katawan.

Bumangon ako sa aking higaan at agad na nagtungo sa bathroom.

---------------------------------------------------------------------

Nang matapos na akong maligo ay bumungad saakin ang isang lalaki na may lightblue na buhok.

Dahil sa aking pagkabigla ay hindi ako makapagsalita.

Sino ba ito?

Bigla bigla na lang siyang sumusulpot at dito pa mismo sa kwarto ko.

Bigla siyang tumikhim kaya napabalik ako sa reyalidad.

"Anatahadare?" Pagtatanong ko.

"I'm Israel and you?" Pagtatanong niya.

"Rain. Rain Martin." Maikli kong sagot.

"Tara! At ililibot kita dito." Nakangiti niyang sagot.

"T-teka lang, Nasaan ba ako?" Naguguluhan kong tanong.

Ang alam ko ay nandito ako sa kwarto ko.

Paanong ililibot niya ako?

Alam ko naman ang kasuluk sulukan ng bahay ko.

Bigla na lang niya akong hinatak at nagulat na nag iba ang itsura ng bawat sulok ng bahay ko.

Medyo modern ang dating ng bahay na ito at sa hallway na tinatahak namin ay may mga paintings ng mga hari at reyna.

Hindi ako sigurado kung royalties ba ang nasa painting pero may mga korona sila at kapansin pansin doon ang isang frame na walang laman.

"Ngayon, nandito tayo sa Emerald Kingdom kung saan ang namumuno ay sina King Ikuro Nakagawa and Queen Itsumi Nakagawa." Pagsisimula niya.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon