Chapter 1: Busy

32.6K 703 43
                                    

Chapter 1: Busy

Kate's POV

~My name's blurry face and I care what you think. ~My name's blurry face and I care what you think.

*Yawn*

Isang bagong umaga para sa isang magandang nilalang na tulad ko.

Hi!

My name is Cassandra Kate Hernandez and there's nothing special to know about me.

Kabilang ako sa pamilya na may kaya sa buhay pero ang mga magulang ko lang ang may kaya at hindi ako.

May mga magulang ako na palaging busy sa kanilang trabaho pero mayroon akong tatlong kaibigan na kaya akong pasayahin at i-cheer up sa tuwing wala ako sa mood o hindi kaya ay nalulungkot ako.

*Tok* *Tok* *Tok*

"Mada---"

"Hindi ba ang sabi ko sainyo ay Kate na lang ang itawag niyo saakin at hindi madam." Nakasimangot kong sabi sabay halukipkip sa harap ni Manang Rose.

"S-sorry mada--- ay este Kate." Nanginginig nitong sabi sabay yuko ng kanyang ulo.

"Bakit po ba kayo natatakot saakin? Mukha po ba akong nangangain ng tao?" Tipid kong tanong habang sinusuot ko ang aking tsinelas

"H-hindi naman po." Nakayuko pa rin nitong sabi.

"By the way, nandyan pa ba sila Mom and Dad?" Tanong ko habang sinusuklay ko ang aking buhok.

"Kagabi pa po sila hindi umuuwi at pinapasabi po nila na dalawang buwan daw po sila sa Italy dahil nagkaproblema daw po ang isa sa mga business niyo daw po doon." Sagot niya.

Napatango na lang ako.

Same as old lang naman pala ang dahilan.

"K-Kate, nakahanda na po ang pagkain niyo po sa baba." Pagkuha nito sa atensyon ko.

"Pakidagdagan po ng limang plato, sabay-sabay po tayong kakain." Tipid kong sabi.

"P-pe---"

"Ako ang masusunod, kailangan pagkadating ko sa dining area ay nandun na kayong lahat." Malamig kong sabi sabay pasok sa bathroom.

Nang maramdaman kong umalis na si Manang Rose sa silid ko ay agad kong binuksan ang shower.

Bumuhos dito ang malamig na tubig.

Sandali akong napaisip.

Palagi na lang ganito.

Palagi na lang silang wala.

Kung hindi nagkaproblema ang isa sa mga business nila ay may pinupuntahan silang business meeting.

Bilang isang anak ay nakakapagod na intindihin sila.

Katulad ngayon, awarding of honor students at isa ako sa mga with high honors na yun, pero wala rin palang saysay ang pagiging isa ko sa mga nangunguna sa classroom kung hindi ko ito maipagmamayabang sa mga magulang ko.

Maiinggit nanaman ako sa mga kaklase ko na kahit wala silang honor ay pumupunta ang magulang nila para ipakita ang suporta sa kanilang anak.

Samantalang ako...

Mag isa at walang kasamang magulang.

Naibibili nga nila ang mga luho ko pero yung pagmamahal at atensyon na gusto kong kusa nilang ibigay saakin ay hindi nila kaya.

Matapos kong magshower ay sinuot ko na ang uniporme ko at dali dali akong bumaba sa hagdan.

"K-Kate nandito na po pala kayo." Alanganing ngiti ni Manang Rose saakin.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon