Chapter 28: Unveiling The Truth

7.4K 268 3
                                    

Chapter 28: Unveiling The Truth

Kate's POV

Nagteleport na kami pabalik sa Crystal Academy at namomroblema kami kung saan namin iiwan ang walang malay na katawan nila Ms. Yamasaki at Eurydice.

"Ano na? Saan na natin iiwan ang katawan nila?" Pagtatanong ko sa tatlo kong kasama.

"Ang sabi ni Mr. Book ay binura niya raw yung huling alaala nilang dalawa so let's assumed na kunyari ay magkikita na lang sila ulit?" Pagsusuggest ni Skye.

"You have a point Skye. Kaso saan naman natin iiwan si Ms. Yamasaki? We don't have any idea kung saan siya galing bago niya puntahan si Eurydice."  Pagsagot ko.

"Alam ko na." Pagsabat ni Jewel.

Napalingon kami kay Jewel at inaantay namin kung anong sasabihin niya.

"Iwan natin siya sa faculty niya." Pagsagot nito.

"Hindi naman tayo makakapasok doon nang wala tayong slip." Sabi ni Rain habang nakahalukipkip.

"Who says magpapaaalam tayo para pumasok doon?" Nakangising sabi ni Jewel.

"We will sneak out and also make ourselves invisible so no one will notice our presence." Dugtong ni Jewel.

"Hindi ko talaga alam kung saan mo natutunan yan Jewel." Natatawa kong sabat.

"Pero Jewel has a point and we need to hurry bago pa magising si Ms. Yamasaki." Sagot ni Skye.

----------------------------------------------------------------------------

We were heading our way sa Confidential Building and as usual nagmamadali na kami dahil marami pa kaming aasikasuhin together with Mr. Book.

Iniwan na namin sa bench kanina si Eurydice kase doon naman siya nag aantay bago magkandaleche leche kanina.

Nang makarating na kami sa Entrance ay agad kaming nagteleport sa faculty ni Ms. Yamasaki.

Actually, first time namin magpunta sa faculty niya and we don't have any idea kung anong itsura noon pero base sa mga narinig kong chismis ng mga kaklase ko ay nagawa namin itong mahanap.

Dahan dahan naming inupo sa swivel chair ang katawan niya.

Paalis na sana kami nang may makita kaming anino na papunta sa faculty ni Ms. Yamasaki kaya out of the blue ay ginawa kong invisible ang katawa niya.

Pumasok ang isang babae sa loob na tingin ko ay isa rin itong teacher base sakaniyang uniform.

Nagkatinginan kaming apat nang simulan niyang magkalkal sa mga cabinet ni Ms. Yamasaki and she even check the laptop and gadgets na naiwan doon.

Nakita ko si Jewel na sinadyang ihulog yung white board marker na malapit sakaniya kaya napalingon sa gawi niya yung babae.

Good thing at wala talagang pwedeng makakita saamin kasi special daw ang invisibility power naming apat.

Ayon kay Mr. Book ay kaming apat lang raw ang pwedeng makakita sa mga sarili namin kapag invisible kami.

Lumapit yung babae sa pwesto ni Jewel at ibinalik nito sa lagayan yung marker na nalaglag, pagtapos noon ay walang lingon siyang umalis sa faculty ni Ms. Yamasaki nang walang dala na kahit ano.

Ipinwesto na namin ulit ang katawan ni Ms. Yamasaki sa swivel chair at inalis na namin ang invisibility sakaniya.

We're still invisible at naglalakad kami ngayon sa hallway para magcheck kung may kalokohan na gagawin yung teacher na iyon.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon