Chapter 33: The New Student

8.1K 268 15
                                    

Chapter 33: The New Student

Eurydice's POV

Nabalitaan ko na binigyan ng mission sina Kate, Rain, Skye, and Jewel.

Napabuntong hininga ako.

Sana makabalik na sila dahil marami pang mangyayari dito sa Crystal Academy.

"GoodMorning." Pagbati ni Mr. Ranmaru, guro namin sa history.

"GoodMorning Mr. Ranmaru." Pagsagot namin lahat.

"You have a new classmate. Please introduce yourself." Pagsagot ni Mr. Ranmaru habang nakatingin sa pintuan na medyo nakabukas.

Pumasok ang isang babae doon.

Tinitigan ko ito ng mabuti at biglang nanlaki ang mga mata ko.

"Hi everyone! I'm Crimson Valmont. You can call me Red, Seventeen years old, came from Mortal World." Nakangiti nitong sabi.

Akala ko patay na siya.

How come na buhay pa siya?

"Okay, Ms. Valmont. You can sit anywhere." Pagsagot ni Mr. Ranmaru.

Iginala nito ang mga mata niya upang maghanap ng pwesto, nagulat pa siya ng makita niya ako.

Dahan dahan itong naglakad papunta sa pwesto ko dahil may bakanteng upuan sa tabi ko.

Umupo ito doon tsaka ako nilingon.

"It's nice to see you again, Eurydice." Nakangisi nitong sagot.

Hindi ko ito pinansin at tumingin na lang ako sa harap para makinig.

"Hey, Yuri." Pagtawag nito sakin.

Sinundot sundot nito ang tagiliran ko para siguro bwisitin ako.

Tangina.

"Ano ba kasi iyon?" Gigil kong tanong.

"Kailangan natin magusap mamaya." Seryoso nitong sabi habang nakatingin sa harap.

"For what? Matagal ng tapos ang lahat." Inis kong sagot.

"I will clean my name, bawal ba iyon? Masyado kaya akong nadiin sa kasalanan na hindi ko naman ginawa." Naiinis rin nitong sagot.

"Fine." Sumusuko kong sagot.

Ganyan makareact si Red dahil sakaniya nasisi ang isang kasalanan noon.

Flashback

"Red, don't just chill. We're running out of time." Galit kong sigaw.

"What? I'm not chilling. Iniisip ko yung dapat nating gawin." Nakapamewang nitong sagot.

Nakita kasi namin ang kanang kamay ni Prince Vulcan Kristofides na si Magnus Psyche at siya pala ang nasa likod ng biglaang pagkamatay ng mga estudyante sa Crystal Academy.

"Isumbong na lang kaya natin kay HeadMaster? Kaysa naman sinasarili natin ng ganito." Naiinis kong tanong.

"No, wala ng pwedeng ibang madamay dito. Tsaka kailangan may magawa akong mabuti para maipagmalaki ako nila Ama at Ina." Inis nitong sabi.

"Hindi mo naman kailangan na ibuwis ang buhay mo para maipagmalaki ka nila, think straight Red. Don't do somethinf stupid." Sigaw ko dito.

"Walang makakapigil saakin at sana sa gagawin kong desisyon Yuri, magtiwala ka sakin. Ito na lang nakikita kong paraan para matigil si Magnus sa mga ginagawa niya sa estudyante. Babalik ako dito, huwag kang mag aalala." Determinado nitong sabi.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon