Chapter 21: Jewel Scott Vs. Ms. Sunako Yamasaki

585 24 0
                                    

Chapter 21: Jewel Scott Vs. Ms. Sunako Yamasaki

Jewel's POV

We're on our way sa dorm namin nang maramdaman kong may bumangga sa balikat ko.

Tiningnan ko kung sino ang bumangga saakin at laking gulat ko na napaupo siya sa sahig.

Weird.

Tinulungan ko siyang makatayo at tinitigan ko ang mukha niya.

"Sorry Miss." Paghingi nito ng paumanhin sabay bow nito sa harap ko.

"No, Its my fault. After all I'm not aware na mababangga mo na ako." Apologetic kong sabi.

Nginitian ako nito at nilahad niya ang kamay niya.

"I'm Eurydice Valerio. You?" Nakangiti nitong tanong.

Tinitigan ko ang kamay niya tsaka ito inabot at nakipag-kamay.

"I'm Jewel Scott." Matipid kong sagot.

"See you around, Jewel. Nice meeting you." Sabi nito sabay takbo papunta sa facility building.

Nilapitan ko ang mga kaibigan ko at nakakunot noo na silang nakatingin sakin.

"What's the matter?" Naguguluhan kong tanong.

"Jewel, hindi mo ba namukhaan yung babae?" Pagtatanong ni Kate.

Umiling ako bilang sagot.

"Siya si Eurydice Valerio, our schoolmate sa Mortal World." Seryosong sagot ni Skye.

Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman ko.

"Why on earth na nandito siya sa Crystal World?" Naguguluhan kong tanong.

"There must be something about her." Seryosong sagot ni Rain sabay lakad papunta sa Dormitory Building.

Habang nandito kami sa loob ng dorm namin ay hindi ko mapigilang isipin si Eurydice Valerio.

Hindi ko siya crush ha.

Napaisip lang ako kung bakit nandito siya.

Ngayon ko lang naalala si Eurydice dahil naging classmate ko pala siya sa isang subject noon.

Eurydice.

Eurydice.

Eurydice.

Nilingon ko ang mga kaibigan ko at seryoso rin silang nakaupo sa couch.

"I'm just wondering kung bakit nung nabangga ko siya ay napaupo siya?" Pagtatanong.

"Isa rin yun sa napansin ko kanina." Seryosong sagot ni Kate.

Pumunta ako sa room ko at agad kong kinalkal yung libro na hiniram ko sa library.

Nilapag ko iyon sa center table at hinagilap yung salitang gumugulo sa isipan ko.

Superhuman Strength

"Guys, alam ko na kung anong tawag doon." Pag agaw ko sa atensyon nila.

"It was a superhuman strength. According to this book it is an ability to remain strong by not giving any force. So that explains kung bakit hindi ako natumba kanina kahit unaware ako." Pagpapaliwanag ko.

"You must be really something Jewel. I'm so proud na may ability ka pala." Natutuwang sagot ni Skye.

"Hindi na dapat 'to kumalat sa iba, I want to keep it as a secret." Seryoso kong saad.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon