Chapter 34: Aloof Twins

7.1K 268 8
                                    

Chapter 34: Aloof Twins

Kate's POV

Kasalukuyan na nandito kami sa library para magpalipas ng oras, inagahan kasi namin ang pasok dahil may binabantayan kaming mga kakaibang tao.

One week na kaming pumapasok sa Gem Academy at sa tuwing kasama namin ang Cambria Twins ay laging may nakamasid sa kanilang apat na babae.

Ang weird nila kasi parang binabantayan nila ang kilos nung kambal at kulang na lang pati yung paghinga nung dalawa ay panoorin nila.

"Hey nakita niyo na sila?" Pagtatanong ni Jewel.

"Hindi pa eh. Yung kambal nakita niyo na?" Pagtatanong ni Skye.

Naisipan namin na dito sa library pumunta kasi malapit ito sa entrance ng Gem Academy tsaka tahimik kaya makakapagconcentrate kami sa pagbabantay.

"Guys, dumating na yung apat na babae." Sabi ni Rain sa mga isipan namin.

Napabuntong hininga ako.

Kahina-hinala yung apat na babae na yun kaya mas naghihigpit kami sa pagbantay, pakiramdam ko ito yung sinasabi ni Mr. Macrus na representative ng UnderGround World.

"Tingnan niyo sila oh, palinga-linga pa. Parang may hinahanap." Dagdag ni Rain.

Lumabas kami ng library at naisipan na namin na bumalik sa classroom dahil magsisimula na rin ang klase.

Nakasalubong namin ang Cambria Twins sa hallway kaya sinabayan na namin sila.

Napansin ko na pawis na pawis sila at parang medyo lutang dahil hindi nila kami binati tsaka ang aloof nila ngayon.

"Hey, Yohan and Johan. Okay lang ba kayo?" Pagtatanong ko.

"Huh?" Wala sa sariling tanong ni Johan.

"Okay lang ba kayo? Lutang yata kayo." Seryosong sabi ni Skye.

"Y-yeah, we're okay. Right, twin?" Pagsagot ni Johan.

Wala sa sariling tumango si Yohan sa sinagot ni Johan.

Weird.

Nang makapasok na kami sa classroom ay nanatiling tahimik ang kambal, nagaalala na ako kaya kinausap ko sa isip ko yung mga kaibigan ko.

"Hey, anong gagawin natin? Parang may kakaibang nangyari sakanila." Pagtatanong ko.

"Mag obserba lang muna tayo. Pakiramdam ko may kinalaman yung apat na babae dito." Seryosong sagot ni Jewel.

"Bakit hindi kaya manmanan natin yung apat na babae na yun? Baka mamaya may binabalak na sila sa kambal tapos maunahan pa tayo." Pagsabat ni Rain.

"Magagahol tayo sa oras niyan, Rain. Pero what if maghiwa-hiwalay tayo?" Suhestyon ni Skye.

"Hindi tayo pwedeng maghiwa-hiwalay. Baka may mapahamak na isa saatin." Nagaalala kong sabi.

"I mean magpartner tayong magkakasama, example kami ni Jewel magkasama tapos kayo ni Rain ang magkasama." Pagsagot ni Skye.

"Pwede rin, pero kailan tayo magsisimula?" Pagtatanong ko.

"Mamaya siguro? Kailangan na talaga natin magmadali." Natatakot na sagot ni Skye.

"Sang ayon ako." Maikling sagot ni Jewel.

"Naniniwala ako na kaya nating protektahan ang mga sarili natin. Magtiwala tayo sa kakayahan ng isa't isa." Determinadong dagdag ni Jewel.

"Bali ang magiging plano natin ay kaming dalawa ni Kate ang sasama sa kambal para maihatid sila pauwi, habang kayo ni Jewel ang magbabantay sa kilos nung apat na yon." Pagsabat ni Rain.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon