Chapter 36: The Clones

7.9K 244 2
                                    

Chapter 36: The Clones

Rain's POV

Agad kaming nakarating sa bahay nila Jewel and as usual ay nag face and fingerprint scanner kami.

Ayaw kasi ni Jewel na may kung sinu-sino lang ang nakakapasok sa bahay niya bukod saamin na mga kaibigan niya and mga tauhan.

Nang makapasok ay agad kaming nilapitan ni Ate Alex.

"Si Ma'am Jewel po, nasaan po?" Magalang nitong tanong.

"May inasikaso lang silang dalawa ni Skye, bakit po?" Pagtatanong ko.

"May dumating po kasi na kahon kanina, galing raw po sa kaibigan niya. Medyo nagduda po ako kasi sa pagkakaalam po naming lahat ay tatlo lamang po kayo na kaibigan niya." Seryoso nitong sabi.

"Nakatanggap po ako ng text kanina galing kay Ma'am Jewel na sunugin ko raw po yung kahon dahil delikado daw po yung laman noon kaya ayun po sinunog na po namin ni Amiel yung kahon at ang sangsang po ng amoy." Pagpapaliwanag naman.

"Lason po kasi laman noon, Ate Alex. Mabuti talaga at sinunog niyo dahil kapag hindi naagapan, mapapahamak ang buhay nating lahat." Pagsabat ni Kate.

"Sige, Ate Alex. Pasok na po kami sa loob, maya maya rin po siguro ay darating silang dalawa." Pagpapaalam ko.

Agad kaming pumasok sa bahay ni Jewel at sinalubong kami ni Manang Letty.

"Magandang tanghali, mga apo. Anong gusto niyong kainin at ipagluluto ko kayo?" Malambing na tanong ni Manang Letty.

"Porksteak na lang po, pakitawag na lang po kami kapag handa na po yung pagkain. Iidlip lang po kami sa mga kwarto namin." Sagot ni Kate.

Napatango lang si Manang Letty at pumunta na ito sa kusina.

Umakyat naman kaming dalawa ni Kate at dumiretso sa guest room na tinutulugan namin.

Nagpalit na kami ng mga damit namin at nagsimulanh magplano na rin kung paano namin maaalis sa landas namin yung mga clones namin or should I say mga fake na kamukha namin na pupunta dito sa bahay para magpanggap.

Maya maya nakita na namin silang apat na nasa malaking gate.

Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha nila Kuya Amiel and Ate Alex dahil may kamukha kami doon.

Saglit na umalis si Ate Alex at pumasok sa bahay at iyon na ang hudyat para maging invisible kami.

Bumaba kami at sinundan namin si Ate Alex na papunta ngayon sa kusina para tanungin si Manang Letty.

"Manang Letty, nakita niyo po ba si Ma'am Kate at Ma'am Rain?" Magalang nitong tanong.

"Naku, Alex. Nagpapahinga yata ang mga iyon dahil ang sabi saakin ni Ma'am Kate ay tawagin ko na lang raw sila kapag luto na itong pagkain nila dahil iidlip daw muna sila." Kamot ulong sagot ni Manang Letty.

Tunango lang si Ate Alex at agad na umakyat sa second floor, sinundan din namin siya dahil pakiramdam ko wy ichecheck niya siguro kung talagang natutulog kami at kung talagang kami yung pinapasok at nakausap niya kanina.

Nakarating na siya sa guest room at bumuntong hininga sabay kumatok ng tatlong beses.

Nang walang nagbukas ng pintuan ay dahan dahan niyang pinihit ang door knob at doon nakita niya na walang natutulog sa guest room.

Napakamot ulo siya habang pababa at papunta siya sa kusina.

"Manang Letty, wala naman po sila." Nakangiwing sagot ni Ate Alex.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon