Chapter 27: Stalking (Part 3)

8.3K 267 8
                                    

Chapter 27: Stalking (Part 3)

Jewel's POV

Nakaalis na sila Rain at Skye para patayin ang mga newborn vampires na back up ni Psycho.

Nagiisip ako ng mabuti kung ano ang susunod na magiging plano para mapatahimik na namin ng pang habang buhay si Psycho.

"Kate? May naiisip ka bang plano?" Pagtatanong ko dito.

"Iniisip ko kung paano natin matutulungan sila Ma'am Yamasaki at Eurydice over Psycho nang wala silang nalalaman. Mamaya isipin nila na buong araw tayong nakasunod sakanila para malaman yung totoo." Natatawang sagot ni Kate.

"May point ka naman and now I realized na siguro mabuting tao naman talaga si Eurydice kaso masyado natin siyang hinusgahan without hearing her side." Pag sang ayon ko sa sinabi ni Kate.

"As you can see, kung kakampi nila si Psycho, dapat silang tatlo ang humahabol saatin hindi si Psycho lang." Seryosong sabi ni Kate.

Nakita kong unti unting lalapitan ni Psycho sila Ms. Yamasaki at Eurydice, hindi ko napigilan ang kanang kamay ko na kumumpas at maya maya ay may pumoprotekta ng mga halaman sakanilang dalawa.

Napatingin saakin si Kate na may nanlalaking mata.

"Anong nangyayari?!" Malakas na sigaw ni Psycho.

"Ikaw may gawa nun, Jewel?" Naguguluhang tanong ni Kate.

"Hindi ko din alam Kate, pero kusang gumalaw yung kanang kamay ko at bigla na lang lumabas yung mga halaman." Seryoso kong sagot.

"Planuhin na natin yung kay Psycho. Malaking tulong na may natuklasan kang bagong kapangyarihan, hindi tayo masyadong mahihirapan." Nakangiting sabi ni Kate.

"So ang magiging plano natin ay mailigtas yung dalawa at kung maaari ay mapatay na natin si Psycho." Seryoso kong sabi.

Napatango si Kate sa sinabi ko.

"Hindi maaari! Sino may kagagawan nito?!" Galit na sigaw ni Psycho.

Pinagmamasdan ko si Kate na blangkong nakatingin kay Psycho.

Bigla nitong inangat ang kanan niyang kamay at kumumpas.

Pinilit nito ang mga mata niya at parang may sinasabi siya sa hangin.

Pagkamulat niya ng mga mata niya ay nakita kong sandali na naging kulay pula ang mga mata niya.

Nagulat na lang ako na may nakapaikot ng naglalagablab na apoy kay Psycho.

Nilingon ako ni Kate at ngumisi ito saakin.

Napangisi rin ako dahil sa ginawa niya.

Akalain mo iyon at may natuklasan rin siyang kapangyarihan.

Sila Rain at Skye kaya meron?

Sana meron para hindi sila mahirapan sa mga newborn vampires.

"Putangina sinong nandyan? Malaman ko lang kung sino ang may kagagawan nito ay babalatan ko ng buhay!" Galit na galit na sigaw ni Psyche.

Inalis na namin ni Kate ang invisibility namin para magpakita kay Psycho.

"Surprise?" Nakangisi kong sabi.

"Sinasabi ko na nga ba! Humanda kayo kapag nakawala ako dito! Papatayin ko kayong apat!" Gigil na gigil nitong sabi.

"Sige, aantayin namin yan." Nakangising sagot ni Kate.

Nagulat ako nang may naglabasan na mga newborn vampires kaya hinanda na namin ang mga sarili.

"Jewel, salo!" Malakas na sigaw ni Kate.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon