Chapter 44: Extreme Training (Part 4)

7.3K 228 13
                                    

Chaptee 44: Extreme Training (Part 4)

Skye's POV

Kakatapos lang namin sa task na binigay ni Ae and luckily si Kate ang nauna.

"For the last task of this day, gusto kong subukan ang mga pang amoy niyo." Seryosong sabi ni Ae.

"Paano gagawin namin?" Pagtatanong ko.

"All you have to do is to guess kung ano yung pinapaamoy ko sainyo and dapat ay matagalan niyo ito." Pagsagot ni Ae sa katanungan ko.

"Parang nararamdaman ko na may maaamoy akong masangsang o 'di kaya'y nakakasulasok." Nakakunot noo na sabi ni Rain.

"Palakasan yata ng ilong 'to." Natatawang sabat ni Kate.

"May iba pa namang amoy na masakit sa ulo at nakakahilo." Nag aalala kong sagot.

"Yap, meron talaga. Kung sino ang pinaka unang matatapos ay pwede na siyang matulog." Nakangising sagot ni Ae.

"Okay sige, simulan na natin para lahat tayo ay makapagpahinga na." Seryosong sabi ni Jewel.

Huminga ako nang malalim at sandali kong pinikit ang mga mata ko.

Sa pag pikit ko sa mga mata ko ay naramdaman ko ang padaloy ng dugo ko sa buong katawan ko.

Inirelax ko ang isipan ko at iwinaksi ko muna sandali ang mga gumugulo dito para makapag concentrate ako sa mga aamuyin ko.

Aaminin ko na kaya kong amuyin nang matagal yung mga nakakasulasok at masangsang na amoy pero ayokong maging kampante dahil huhulaan ko rin naman kung ano iyong inaamoy ko.

Sa pag mulat ko ng aking nmga mata ay naramdaman ko ang pag gaan ng aking pakiramdam at paligid.

Let's do this.

Sinimulang ikumpas ni Ae ang dalawa niyang kamay at may lumabas na usok doon.

Sinimulan kong singhutin yung usok pero hindi ko makuha ang amoy.

Halo halo yung amoy niya kaya hindi ko matumbok kung ano talaga yung pinaka scent niya.

I mean, example.

Ang naaamoy ko ay mansanas pero maya maya ay magiging saging yung amoy.

Pinikit ko muli ang mga mata ko tsaka ko sininghot ang usok na unti unting kumakalat sa kinalalagyan namin.

At habang unti unti itong kumakalat ay nagiging matapang na ang amoy nito.

"Parang patay na daga yata yung naaamoy ko." Nakasimangot na sabi ni Kate habang nakakunot noo.

"Bakit patay na daga sayo? Ang naaamoy ko kasi ay bulok na bagang." Natatawang sabat ni Rain.

"Iba iba tayo ng naaamoy, sakin kasi amoy malansang dugo." Seryosong sagot ni Jewel habang pinagmamasdan nito ang usok.

Napabuntong hininga ako.

Kakaiba rin ang naaamoy ko pero wala sa nabanggit ng tatlo kong mga kaibigan.

Pakiramdam ko front lang 'tong naaamoy namin dahil may pinaka scent pa ang ipapaamoy ni Ae.

Hindi ko lang maisip kung anong tawag sa naaamoy ko pero naamoy ko na 'to somewhere.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon