Chapter 2: Missing (Part 1)

19.8K 537 14
                                    

Chapter 2: Missing (Part 1)

Kate's POV

Natapos ang awarding na ako mismo ang nagsabit ng medalya sa sarili ko at tanging mga kaibigan ko lang ang nakasama ko sa pagcecelebrate.

Pauwi na ako ngayon at kasalukuyang nagdadrive nang biglang tumunog ang cellphone ko.

May tumatawag pala.

"Hello?" Pagsagot ko.

"A-anak." Hinihingal na sagot sa kabilang linya.

Bigla akong kinabahan nang mapagtanto ko na boses pala iyon ni Dad.

Unregistered kasi yung number kaya hindi ko alam kung sino yung tumatawag.

"A-anong nangyayari diyan, Dad?" Naiiyak kong tanong.

Pakiramdam ko ay hindi maganda ang sitwasyon niya ngayon base sa kanyang boses

"N-nasaan ka, anak?" Hinihingal pa rin nitong tanong.

"I'm on my way home na po. Is there any problem? Dad?" Natatakot kong tanong.

"S-sa i-ilalim ng kama ko, kuhain mo ang s-sulat, b-basahin mo iyon a-at sundin mo a-ang n-nakalagay d-doon." Sagot nito na tila nahihirapan huminga.

"What are you saying Dad? Anong nangyayari diyan?" Naiiyak kong tanong.

"J-just follow what I-I have said t-to you." Hinihingal nitong sabi.

"Dad, What the hell is happening there?!" Sigaw ko sakanya.

Tila nagunaw ang mundo ko ng may narinig akong putok ng baril.

NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!

"DAD! Please, naririnig mo pa ba ako?" Naiiyak kong tanong.

"M-mahal na m-mahal k-ka namin ng Mom m-mo." Nanghihina nitong sabi.

"No, no, no, It can't be. Dad, Please, don't leave me. Sasabitan k-ko p-pa k-kayo ng m-medal." Naiiyak kong sabi.

Tuluyan ng naputol ang tawag namin, sinubukan ko pang tawagan ulit si Dad pero out of coverage na ito.

Umiiyak ako habang tinatahak ko ang daan papunta sa bahay.

TOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOT!

Bumusina ng malakas ang isang sasakyan dahil muntik ko ng mahagip ito.

Sa sobrang inis ko ay kahit umaandar ang minamaneho kong sasakyan ay dumungaw ako sa bintana at sumigaw ng...

"FUCK YOU!"

Nakarating ako sa bahay na gulo gulo ang buhok ko, mugto ang mga mata at mukhang narape dahil sa itsura ko.

Nakakapagtaka na walang katao tao at bukas ang labas ng bahay namin.

Kinutuban na ako ng masama dahil ibang iba ang nararamdaman ko dito sa bahay namin.

Parang may panganib na mangyayari na hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

"Manang Rose! Butler Jay! Kuya Daniel! Manong Karl! Ate Minda!" Sunod sunod kong sigaw.

Ngunit, wala akong natanggap na sagot sa kanilang lima.

Nang pumunta na ako sa may bandang kusina ay nakita kong nagkalat ang lahat ng gamit.

Basag na mga plato at baso.

Nagkalat na mga matatalim na kutsilyo.

Nakita kong may nakahandusay na katawan kaya nilapitan ko ito at nagulat na si Manang Rose pala ito.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon