...

15.6K 279 6
                                    

Nililipad ng hangin ang buhok ko. Pati nga luha ko sumasabay sa hangin. Sobrang ganda ng lugar na ito. Maririnig mo rin ang bawat paghampas ng alon sa buhangin.

"Mama!!!"

Agad kong pinunasan ang luha ko at hinarap ang napakaganda kong anak ng matamis na ngiti. Well, ano pa bang ang gugustuhin ng isang ina kundi ang makitang masaya ang anak niya.

Patalon siyang yumakap sa akin na sinalubong ko naman.

"Mama, bakit wala ka sa bahay pagkagising ko?" Tanong niya sa akin.

Ginulo ko naman ang buhok niya.

"Bakit. Bawal bang pumasyal si mama?"

Kumunot ang noo niya.

"Pwede mo naman po akong gisingin eh di sana sinamahan kita." Tapos ngumuso siya.

Natatawa kong kinurot ang nguso niya na kina-aray niya.

"Pumasok na nga tayo sa loob, lamigin ka pa rito."

Tumango siya.

"Sige po mama"

Napangiti naman ako. Ang bait talaga ng anak kong ito.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa bahay.

Nandito kami ngayon sa Palawan at ang bahay namin ay di naman ganun kalaki. Pag-mamay-ari ito ng amo ko dati tapos binigay na niya sa akin dahil mag-mimigrate na sila sa U.S

May dalawang palapag at tama lang ang laki para sa isang buong pamilya.

Wala na akong magulang dahil namatay sila nang lumubog ang bangkang sinasakyan nila ng mangisda sila sa dagat. Bata pa ko noon ng manyari yun kaya nanirahan muna ako sa tita ko.

Nakarating kami ni Shina sa kusina at may kinuha siya sa ref habang ako ay naghihintay sa likod niya.

Maya-maya lang ay nilabas na niya ang gusto na niyang ipakita sa akin.

"Mama, ako gumawa niyan!" Sigaw niya

Napatakip naman ako ng tenga.

"Ano ba yan anak, kailangan sumigaw?"

Yumuko siya

"Sorry po queen"

Natawa na lang ako. Pangarap kasi ni Shina na maging prinsesa tapos nakita niya sa tv na kailangan queen ang nanay mo para maging prinsesa kaya pag napagtripan niya, yun yung tintawag niya sa akin.

Pinatong ko ang kamay ko sa ulo niya.

"Pinapatawad na kita princess"

Tumawa na lang siya at nakitawa na rin ako.

Tinignan ko naman yung kinuha niya sa ref.

"Pastillas for you my queen" Nakangiti niyang sabi.

Pasimple kong sinilip ang loob ng kusina namin at napabuntong-hininga ng makita kong nagkalat ang gatas na powder.

"Shina, saan ka kumuha ng pang-gawa niyan?" Pag-kukunwari kong tanong. Eh halata namang sinayang niya ang binili kong gatas para sa kanya.

Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis.

"Tikman mo na lang yan Ma, at promise makakalimutan mo ang kasalan ko- este yung pangalan mo"

"So inaamin mo--" Hindi ko natapos yung sasabihin ko ng bigla na lang niyang pinasok sa bibig ko yung isang pastillas. Aba, loko tong batang to ah.

Nang maubos ko na ay magsasalita sana ako ng sinubuan niya ako ulit. At dahil sa hindi ako pumapayag na magpatalo, kiniliti ko siya na nagpatawa sa kanya ng sobra.

Makalipas ang ilang minuto ay binuhat ko na siya kahit sobrang bigat niya. Imagine, 10 years old, sinong di mabibigatan?

Nagpapaspag siya causing me to put her down.

"Wag mo na akong buhatin Queen,  matanda na ako" sabi niya habang taas noo siyang nakatingin sa akin kahit nakatingala siya. Natatawa akong lumuhod sa harapan niya kaya ako naman ang medyo nakatingala at siya naman ang binabaan ako ng tingin. Hinaplos ko ang deretsong buhok niyang dark red.

"Sige nga, kung di ka bata eh ano ang ginawa mo sa gatas?"

Medyo namutla siya sa tanong ko.

"E-eh queen, saglit. Maliligo na ako" sabay takbo papunta sa taas. Ok lang naman, may sarili siyang banyo sa kwarto niya. Tumayo na ako at pumunta ako sa kwarto ko.

Dumerecho ako sa kung nasaan ang drawer ko at binuksan ang isa doon at kinuha ko ang tanging naiiwang koneksyon ko sa kanya.

Lahat ng babae o halos lahat ay pangarap magkaroon ng sariling prinsipe. Lalo na nung mga bata tayo. Gusto natin magkaroon ng magmamahal sa atin ng totoo. At lagi tayong natutuwa dahil sa happy ending na mayroon ang mga kwentong yun.

Cinderella, sleeping beauty, rapunzel, snow white, beauty and the beast, at little mermaid.

Lahat sila ay may mga pagsubok na dinaanan. Lahat sila ay nangarap na may magmamahal sa kanila. Ideal o hindi. Ineexpect o hindi pero lumalaban sila para sa happy ending nila.

Hinaplos ko ang litrato niya at hindi ko maiwasang lumuha.

Alam kong umpisa pa lang ay impossile ang mag katuluyan kami. Pero nung sinabi niyang mahal niya ako, hindi ko mapigilan ang sarili kong matuwa dahil doon. Sino ba naman ang hindi? Sinabi ng taong mahal mo na mahal ka rin niya.

Pero hindi lahat ng istorya ay nagtatapos sa nga salitang "the end" o "and they live happily ever after" Isa na akong living proof nun.

"Mama?" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang anak kong naka-damit ng pambahay.

Sa lahat ng nangyari, siya ang pinaka maganda. Siya ang hindi ko pinagsisihang pangyayari. Pinunasan ko ang luha ko at minention siyang lumapit na agad naman niyang sinunod.

Umupo ako sa kama at siya namang sunod niya. Pinakita ko ang picture na hawak-hawak ko.

"Ma!! Ang gwapo niya tapos magkabuhok pa kami. Tapos may korona? Ma!! Isa po siyang prince?" Excited niyang tanong.

Tumango naman ako.

"Gusto mo ba makarinig ng fairytale?" Tanong ko.

"Kwento po niya?" Nakangiti niyang tanong. Kinurot ko nga ng madiin ang pisngi niya na kina-aray niya. Natatawa kong hinalikan ang pisngi niya para maalis ang sakit.

"Yes anak."

"Ano po pangalan niya?"

"Ang pangalan niya ay Prince Yoshan Williams"

Carrying The Prince's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon