"Ma, punta lang ako sa plaza."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Anong gagawin mo doon princess?"
"Maglalaro lang po kami ng mga kaibigan ko"
Kununot ang noo ng makita ko ang suot niya. Naka-dress siya at nakalugay ang buhok niya.
"Yung totoo Shina?" Sabi ko at pinaliitan ko siya ng mata.
"Hehehe" awkward niyang tawa sabay kamot ng batok.
"Di mo talaga sasabihin sa akin kung saan ka pupunta?"
"Promise po, sa plaza po talaga ako pupunta. Pero yung gagawin ko secret na po yun." Bumuntong hininga ako at nakita kong ala-una na ng tanghali. Kakatapos lang kasi namin na kumain ng tanghalian at kasalukuyan akong nag-huhugas ng plato namin.
"Magdala ka ng payong dahil sobrang init ngayon. Dapat bumalik ka rito ng two ha?"
"Ma, pwede po three?"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Bata pa lang kung makaasta parang teenager.
"Ano akala mo sa akin Shina? Computer shop at nagpapa-extend ka ng oras?"
Lumapit siya sa akin at hinila ang dulo ng damit ko. Tumingala habang nakanguso.
"Sige na po. Puhleeeeeeaaase.." Tapos pumipikit-pikit pa siya.
Napabuntong hininga na lang ako sa ginagawa niya. Kilala talaga ako ng anak ko. Alam niya na once na ginawa niya yun, papayag ako.
"Sige, bumalik ka ng three dahil magmemeryenda tayo."
"Yeheeey!! Salamat po mama" Sabay yakap sa akin ng mahigpit.
"Alis na po ako!!" Sabay takbo palabas.
"Ingat ka!!" Sigaw ko bago niya masara yung pinto.
Mga bata talaga ngayon, nagfefeeling na matanda.
Pinagpatuloy ko na ang pag-huhugas habang nag-iisip kung ano ang magandang meryenda.
Sobrang init dito sa Pilipinas. Pero isa yun sa mga namiss ko dito. Sawa na kasi ako sa malamig klima doon sa U.K kaya parang breath of fresh air ang Pilipinas sa akin kahit na mausok dito.
Pumara na kaagad ako ng taxi pagkalabas ko ng airport.
Pagkaupo ay sinabi ko sa driver ang destinasyon namin. Niluwagan ko ang suot kong polo dahil kahit nasa loob ako ng taxi, naiinitan pa rin ako.
Kinuha ko ang folder na naglalaman ng imposrmasyon tungkol sa anak ko daw.
Ang pangalan niya ay Shina Mervy, age 10 at kasalukuyang nag-aaral sa ikalimang taon ng elementarya. Isa itong public school pero nangunguna siya sa mga kaklase niya.
Mula ng mag-aral ito ay lagi siya ang tinatanghal na pinakamatalino sa klase.
Hindi ako slow para hindi malaman kung sino ang nanay niya. Ang nanay ng anak ko ay ang bestfriend ko na si Shaileen Mervy. Yun lang ang impormasyon nakalagay. Kahit anong backround ni Shaileen ay walang nakalagay dito sa binigay sa akin ni Dad.
"Sir, hanggang dito na lang po ako. Masyado po kasing malubak pero madali niyo lang pong mahahanap yung destinasyon niyo. Dumeretso lang po kayo diyan at pag may nakita kayong plaza, kumaliwa po kayo. Tuloy-tuloy lang po hanggang may makita kayong peach house na pinakamalapit sa dagat."
Tumango na lang ako sa taxi driver at binayaran siya. Nagpasalamat naman siya at lumabas na ako.
Unti lang ang dala kong gamit dahil balak kong bumili na lang ng mga damit dito. Binigyan ako ni Dad ng isang buwan para makuha ang loob ng anak ko. Kahit labag sa loob ko, bawal kong isama si Shaileen dahil isa iyong malaking pagtataksil sa angkan namin.
BINABASA MO ANG
Carrying The Prince's Child
RomanceOnce upon a time, I met a prince, literally. A prince that I loved and will be love. But, something happens kaya hindi ko masasabi ang 'and they live happily ever after' But one thing for sure, I'm carrying the Prince's child