Chapter 8

4.6K 152 27
                                    


"I hereby disagree on your decision king"

Saglit na napatahimik ang kabilang linya na kinalunok ko ng laway. Hindi ko na rin mapigilan ang kabahan ng sobra habang pinapakinggan ang paghinga niya sa kabilang linya.

Napaayos ako ng tayo ng narinig ko siyang napabuntong hininga.

"Did you hear yourself, Prince Yoshan? Did you acknowledge yourself what your mouth spit?" Sabi niya and you can hear the authority in his voice.

"I am aware king"

"Then what the hell you disagree with me?" Mas lalo niyang diniin ang bawat salitang sinabi niya indicating that he's mad now.

"She has the rights king. She is the mother of my child"

"But you are the father Prince Yoshan. And I want our princess to be in here in U.K but without her mother because you know that it will bring disgrace in our family"

"Please, I  am asking you as your son. Let me bring my family there" Sabi ko na nagsusumamong boses. Gustong-gusto ko talagang mabayaran si Shaileen sa lahat ng sakripisyong ginawa niya mula ng dinala niyang mag-isa si Shina sa tiyan niya. Oo, alam kong duty niya yun as a mother pero tama na, ang dami ng pasakit ang binigay ko sa kanya. Ayokong alisan siya ng karapatan sa anak ko. I also know the possibilities that my daughter will dislike the idea of coming to UK without her mother.

"You know what I'm capable of doing Prince Yoshan. I can make your daughter's mother suffer. I promise you that. This is my desicion and no one, even you can't change it" Sabi niya sabay baba ng tawag. Saglit akong hindi nakagalaw dahil hanggang ngayon, nakakahiya mang aminin ay natakot ako ng sobra sa Papa ko. ula nung naging hari siya, hindi ko na siya nakausap pa ng maayos. Nung una iniintindi ko lang dahil alamm ko kung gaano kabigat na responsibility ang meron siya pero habang tumatagal, nakakalimutan na niya na anak niya ako, isa na akong robot na prinsipe para sa kanya.

Napabuntong hininga na lang ako at binaba ang cellphone. Napapikit na lang ako ng umihip ang malakas na hangin. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Naiipit na ako sa dalawang desisyon na nagpupumilit na piliin ko, Yung isa ay ang gusto ko at pangalawa naman ay ay responsibilidad.

Napahawi na lang ako sa buhok ko at napasandal sa upuan.

"Ano? Payag ka na?" Sabi ni Bea sabay tukod niya sa lamesa ko.

"Ofcourse, sasama ako, para naman makilala ko ang mga bago kong mga kaklase" Sabay ngiti sa kanya. Namula naman siya ng saglit at tumawa ng malakas.

"Gosh girl, sure ka bang hindi ka boy?"  Sabat ni Deila.

Napairap na lang ako. "Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo na parehas tayo ng trip. Trip niyo lalaki, trip ko lalaki. Tapos ang usapan" Sabi ko sa kanila sabay dila.

"Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nag-blush at ang masaklap, sa beki pa" Sabat ni Bea causing for us to laugh.

"Basta, payag ka ha? Wala ng bawian ha?"

Tumango ako sa kanya sabay ngiti. "Yap, para saan ba at naiisipan niyong mag karaoke?"

"Una" sabay taas ni Nina ang isa niyang daliri "To welcome our new classmate." Hindi ko naiwasang mamula dahil hindi ko alam na masyado silang warm mag welcome. Bibihira lang kasi ang magkaroon ng  transfaree sa school na ito. Una, kailangan mayaman ka, pangalawa matalino ka at pangatlo at ang pinaka-ayokong rule, dapat may itsura ka. Kasura no?

"Pangalawa" Pansin kong biglang nanlumo ang mukha niya "Para ipagluksa namin ang mga puso naming umasa na makakakilala kami ng mas ubod na gwapong nilalang ngunit gwapo rin pala ang tipo." Sabay singhot kunwari.

Carrying The Prince's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon