Chapter 25

2.2K 34 18
                                    

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at hindi ko maiwasang mamula ng bumungad sa akin ang naka-ngiti na mukha ni Yoshan.

"Good morning"

Agad kong tinakpan ang bibig ko para hindi niya maamoy ang hininga ko lalo na't bagong gising ako. Napatawa naman siya sa ginawa ko. Halos lumawa ang mga mata ko ng hinalikan niya ang kamay na nakatakip sa bibig ko.

"I said, good morning"

"Morning" sabi ko habang hawak pa rin ang bibig ko. Napaiwas ako ng tingin ng mas lalo niyang ilapit ang mukha niya kaya medyo lumayo ako. Habang palayo ako ng palayo, palapit naman siya ng palapit kaya hindi ko napansin na nasa dulo na ako ng kama kaya bigla akong nahulog.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit. Imbes na tulungan ako, tumawa lang nang napakalakas si Yoshan habang hawak-hawak ang tiyan.

"Ano ba ginagawa mo Shan? Bangag ka pa ba?" Pang-aasar niya at tumawa pa ng mas malakas.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin habang umuupo ako. Ang sweet talaga nitong lalaking ito. Imbes na tulungan ako, aba, tumawa pa ng grabe.

Umirap na lang ako at humalikipkip. "Ang aga-aga Yoshan, lumalandi ka na naman."

"Ginawa ko talaga iyon para mahulog ka sa kama." Sabi niya at tumawa ulit.

"Manahimik ka at tulungan mo muna akong makatayo rito." Sabi ko at itinaas ang dalawang kamay ko.

Agad namang umalis sa kama si Yoshan sa kama at tumayo sa harapan ko. Imbes na ioffer sa akin ang dalawang kamay niya, dalawang hintuturo ang nilabas niya.

"Ano bang trip yan Yoshan? Nagpapatayo ako rito, hindi nakikipag-biruan." At tinaasan ko siya ng kilay.

"Kaya nga, kaya naman kita ng daliri lang eh." Sabi niya at mas inumang ang dalawang daliri niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at himwakan ang dalawang daliri niya at hinila ang sarili patayo.

Pagkabitaw ko, agad niyang tinaas ang dalawang braso at nag biceps pause. "What did I tell you? I'm strong man." Sabi niya at humalaklak ng bukang-buka ang labi.

Lihim akong napangiti ng ilang beses ko na siyang nakita ngayong umaga na tumatawa. I'm glad at masaya na siya ngayon. Hindi katulad kahapon na halos magdilim na ang mga mata niya.

Umubo ako at napalingon sa malayo. "Nasaan na si Shina? Nagising mo na ba? May pasok pa iyon ngayon."

Nanlaki ang mga mata niya tsaka napakamot ng batok. "Oo nga pala, nakalimutan ko. Hindi pa kasi ako nakakaluto eh."

"Ano pa nga ba aasahan ko? Masarap ka nga magluto, bihira naman." Sabi ko at naglakad na paalis. Pero bago ako makaalis, hinatak niya ang braso ko papalapit sa kanya at saglit na nagdikit ang mga labi namin.

Biglang nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. "What's that for?" Medyo pasigaw kong tanong habang pinipilit ang sarili na wag hawakan ang labing nahalikan. Otomatikong namula ang pisngi ko sa ginawa niya kaya mas lalong tumalim ang paningin ko sa kanya.

Inangat niya ang dalawang kamay na para bang sumusuko. "Sorry. It just me, saying goodmorning."

"Well you can say it normally." Sabi ko at tumalikod na.

"Arte-arte pa nagustuhan din naman." Pabulong niyang sabi habang nakasunod sa akin pababa ng hagdanan.

Napairap na lang ako sa kawalan. Pero sa hindi malamang dahilan, hindi ko makontrol ang labi ko sa pag laki ng ngiti ko. Seriously, Shan? Kinikilig ka sa baklang yan? Napailing na lang ako sa iniisip ko at pinag-patuloy ang pababa.

"Ma, pa, nagugutom na po ako. Baka ma-late pa ako sa school." Sabi ni Shina habang naka-pangulubaba sa lamesa.

"Naligo ka na ba?" Tanong ko at dumerecho na sa kusina para ipag-luto na ang mag-ama ng almusal nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Carrying The Prince's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon