Chapter 6

5.8K 192 4
                                    

Iniikot ko ang balikat ko dahil nangangalay na ako. Kailangan ko na kasing tapusin ang isa ko pang kwento at maipasa na sa editor ko dahil magiging busy ako sa church activities namin.

We will be having a camp. Pero siyempre evangelistic camp yun. Libre ang lahat dahil na rin sa nakuhang sponcors ng pinakapastor namin na nasa Maynila. Three days and one night kami doon.

"I don't know, no one know if you really saying the truth" Sabi ni Vanessa at lumayo sa yakap ni James.

"Why don't you just trust me!!?" Hindi mapigilang mapasigaw si James because of all of the frustrations na nararamdaman niya. Mahal na mahal niya si Vanessa at oo may nagawa siyang mali kaya wala ng tiwala ito sa kanya but can't she just forgive him?

"Di mo ba ako narinig? Hindi ko alam kung nagsasabi ka pa ng totoo o hindi. Ilang beses na ba akong nagtiwala sa iyo? Once? Twice? I didn't even know kung ilang beses na!!"

"Just give me a chance please!!" Pag susumamo nito at lumuhod sa harapan ni Vanessa. Umiwas na lang siya ng tingin.

"Mas marami pa sa second chance na ang binigay ko sa iyo" Hindi na niya napigilan ang lumuha. Kung--

"Bakit ba laging ang babae ang kawawa sa mga kwento?"

Napapitlag ako ng may nagsalita sa likod ko. Tinignan ko kung sino ang nagsalita at nakitang so Yoshan pala yun na nakahilig sa likod ng sofa na sinasandalan ko. Nagulat ako sa maliit na distansiya ng mga mukha namin.

Gusto kong mapaluha dahil hindi ko inaasahan na mangyayari uli ang ganitong pangyayari. That I will able to see his face again in this distance. Sorry but I'm hopeless.

Agad akong humarap uli sa laptop. Mukha naramdaman niya ang pagkapahiya ko kaya umalis siya sa likod at tumabi sa akin. Umusog ako ng unti palayo sa kanya. Napabuntong hininga siya sa ginawa ko.

"Ito oh" Sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya only to find out na inaabutan niya pala ako ng kape. Hindi ko napigilang ngitian siya dahil na hit niya ang weak spot ko.

"Salamat" at masayang kinuha ang kape. Agad akong humigop at hindi mapigilang mapapikit sa sarap ng pagkakatimpla.

Napansin kong natahimik si Yoshan kaya tinapunan ko siya ng tingin.

"May problema ba?" Tanong ko kanya. Umiling naman siya.

"Napatulog mo na ba si Shina?" Tanong ko uli. He didn't even bother to hide the happiness in his eyes when I ask him.

"Ang cute niya pala pag natutulog. She looks like angel but when she wakes up, never mind" Natatawa niyang sabi kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili kong tumawa rin. I miss my witty Yoshan.

"Ano nga pala yung tanong mo kanina?" Tanong ko ng maalalang may tinatanong siya kanina.

"Ahh, yun" Umayos siya ng upo at humarap sa akin. "Bakit pala babae ang lagi kawawa sa kwento?" Tanong niya sa akin.

"Hindi naman lahat" Sabay higop sa iniinom kong kape.

"Pero bakit kadalasan, babae ang kawawa?"

Binaba ko ang tasa at humarap sa kanya

"Dahil mas lagi ang babae ang nasasaktan. Hindi ko naman sinabi na hindi rin kayo nasasaktan but my point is, mas maraming napagdadaanan ang babae kaysa sa lalaki."

Umiling ng maraming beses si Yoshan. "Hindi. May kilala akong mga lalaki na mas matindi pa sa pinagdadaanan nila kaysa sa inyo. It just that marunong silang magtago."

"That's it. The difference between women and men. Mas malakas ang babae kaysa sa mga lalaki dahil naipapakita nila kung ano talaga ang nararamdaman nila. Hindi sila natatakot na umiyak para maibsan lang ang sakit nanararamdaman nila."

Carrying The Prince's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon