Chapter 23

1.5K 46 8
                                    

"Dahan-dahan mong bitawan, puso kong di makalaban. Kahit minsan mong iniwan, lagi kang di makayanan."

Natawa na lang ako ng mali-mali yung lyrics niya pero hindi niya napansin yun kaya patuloy lang siya sa pagkanta habang kumukuha ng mga gulay dito sa grocery store namin.

Si Shina naman ay napapailing at medyo lumalayo sa tatay niya. Napapatawa na lang ako sa reaksyon niya.

"Ano pa ba dapat nating bilhin?"

Napatigil ako sa pagtawa at tinignan siya. "Biscuits ng anak mo para hindi na siya bumibili sa canteen."

Napakunot ang noo niya. "What's wrong with buying at the canteen?"

"Masyadong malayo ang classroom nila sa canteen eh tinatamad anak mong maglakad, kaya nag suggest siya na mag biscuit na lang tsaka lunch box."

Napatingin si Yoshan kay Shina at napailing-iling. "Ang tamad mong bata ka."

Napairap naman si Shina sa sinabi ng tatay niya. "I'm just conserving my energy father."

Nagkatinginan kami ni Yoshan sa sinabi niya. Pag may mga oras kasi na tinatamad si Yoshan, ganun na ganun ang sinasabi niya.

Napangisi ako at napailing. "Dapat pala nung una pa lang, alam ko na kung saan nag mana si Shina."

"Hindi nga sabi ako tamad. May mga bagay lang na dapat hindi pinag-aaksayahan ng energy."

"Exactly tatay. Nag-iisip ka pala po no?"

"Siyempre, sa akin ka kaya nagmana mg katalinuhan."

"Sino po nagsabi? Ang namana ko lang sainyo eh yung buhok ko at kung anu-anong masasamang ugali ko. Kay queen naman ay ganda ng boses, katalinuhan, ganda ng mukha, kabaitan, at—"

"Shh Shina, tama na. Nasasaktan mo na yung tatay mo." Sabi ko sa seryosong tono pero mahahalata mong nagpipigil na ako ng ngiti.

Mukha naman niyang nagets yung sinabi ko kaya kunware naging malungkot din siya. "Sorry po tatay."

Hindi siya pinansin ni Yoshan na sinisipat ang hawak na ampalaya. Kumuha ng tangkay ng kangkong si Shina at inabot kay sa tatay niya.

"Kangkong for you. Sorry na po."

Napabuntong hininga na lang siya at kinuha ang kangkong. "Dahil diyan, sinigang na baboy ulam natin mamayang gabi."

Napatalon naman sa tuwa si Shina at napayakap sa tatay niya. Masaya siguro dahil lulutuin nila yung favorite niyang ulam.

Humarap naman sa akin si Yoshan at tinaas ang kilay. Sa tuwing ginagawa niya yun, nagmumukha talaga siyang bakla. Poging bakla.

"Ano naman ang gusto mo?"

Bigla akong napaisip sa tanong niya. Pero agad akong nagkibit-balikat kasi walang pumapasok sa utak ko. Ok naman sa akin kahit ano eh.

"Dapat may isipin kang gusto mo, Shan. Kung hindi, hindi tayo aalis dito."

Napatawa naman ako at pina-ikot ang paningin sa buong grocery store. Napangiti ako ng dumapo ang paningin ko sa saitary napkins. Tinignan ko si Yoshan na mukhang nakita ang gusto ko. Agad siya umiling at naglakad palayo.

Natatawang sumunod na lang ako habang si Shina naman ay nagtataka.

****
Galit-galit kami ngayon habang kumakain. Napakatahimik at tanging mga tunog lang ng kutsara at tinidor ang maririnig mo. Hindi ko ala kung bakit. Siguro dahil sa sobrang gutom naming tatlo kaya para kami isang linggong hindi kumain.

Pagkatapos kong kumain. Napangiti ako ng nakita kong pagkatapos kumuha ng kanin ni Yoshan, siya namang kuha ni Shina. Kung di lang talaga dahil sa nakuha niyang ugali ko, mukhang magkambal ang dalawa.

Carrying The Prince's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon