Chapter 1

9.1K 233 6
                                    

"Once upon a time. May isang babaeng--"

"BAKEKANG!" Sigaw niya. Napakunot naman ako ng noo.

"Anong bakekang??"

"Pangalan niya" Sabay cross arm.

"Sige na nga. May isang babaeng nagngangalang bakekang ang nakatira sa isang malaking mansyon."

"Princess din siya?"

"Hindi po. Mayaman lang po talaga siya. Lahat ng bagay ay nakukuha niya. Kaya naman nagin spoiled brat ang ugali niya."

"Ang bad naman niya"

"Yap, kaya ikaw, subukan mo lang gawin yung ginawa mo kanina, lagot ka sa akin",

"Ok lang, nasarapan ka naman"

Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lang ako ng matamis.

"Subukan mong sumingit uli sa kwento ko ibibitin kita patiwarik diyan sa labas."

Nag act siyang zinip yung bibig niya.

"Spoiled brat siya kasi naniniwala siya dapat ineenjoy ang mga bagay-bagay habang nandiyan yun. Marami siyang kaibigan at sikat sa school. Kilala siya sa tawag na 'Queen'"

Humiga sa lap ko si Shina at mataman na nakikinig sa akin. Umusog ako at sumandal sa headboard ng kama.

"One day, may nagtransfer na student sa room kung saan nandoon si Bakekang. Lahat ay napatunganga dahil sa angking kagwapuhan nito. At isa na roon si Bakekang. Pero siyempre, hindi niya pinahalata dahil naiisip niya na magiging delikado siya pag nakipaglapit doon."

"Bakit naman po?"

"Natatakot siyang magmahal Shina. Natatakot siyang magmahal hindi dahil natatakot na masaktan. Natatakot siyang iwanan na naman."

"Iniwan po ba siya dati?"

"Yes, namatay kasi ang mga magulang niya ng mataboy ng malalakas na alon ang sinasakyan nitong bangka nung nangingisda sila. Kaya mula nun, sa tita ni bakekang siya namuhay"

Sinuklay ko ang buhok niyang hanggang balikat at pinagpatuloy ang pagkwekwento.

"Lahat ay nahuhumaling sa kagwapuhan niya at natigil yun nung nagsalita siya. Lahat ay nadismaya dahil bakla pala ang lalaking yun. Ang pangalan niya ay Yoshan Williams"

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.

"Totoo? Walang halong biro?"

Mahina ko siyang binatukan at sinamaan ng tingin. And once again, nginitian niya ako ng matamis. Alam niya kasing nawawala ang inis ko pag ginagawa niya yun.

"Pero, kahit ganun, marami pa rin ang nakipagkaibigan. Walang nakakaalam na prinsipe siya. One time, ng nagkaraoke silang magkakaklase, doon unang nagtagpo ang mata nila ni Bakekang at Yoshan. Hindi alam ni Bakekang ang nangyari pero nung mga panahon na yun, alam niyang may kakaiba siyang nararamdaman na kinakatakot niya.

Ng matapos silang magkaraoke, nagpasya na lang maglakad si Bakekang dahil malapit lang naman ang bahay niya. Tatawid na sana siya ng may humila sa kanya pabalik at kasabay nun ang mabilis na kotseng dumaan sa harapan niya. Napatulala si Bakekang at naisip na kung hindi dahil sa humila sa kanya pabalik, ay baka nabangga siya. Nang lumingon sa likod upang magpasalamat ay nalaman niyang si Yoshan pala yun. Una ay naging awkward pero ng malaman nilang parehas sila ng mga hilig, doon na nagsimula ang pagkakaibigan nila. Not to mention na magkakapitbahay lang pala sila.

Naging magbestfriends sila nun at ng tumagal, nainlove si Bakekang sa bakla niyang kaibigan. Kaso may nangyari, kailangang magpanggap na lalaki si Yoshan dahil magagalit sa kanya ang amang hari nito kaya naman agad na nagpresinta si Bakekang para magpanggap na jowa nito"

Carrying The Prince's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon