"Mama! Papa! Nandito na po ako!"
Agad akong napatayo ng marinig ko ang boses ni Shina. Hindi ko maiwasang daanan ng tingin ang hagdanan na inakyatan ni Shan kanina pagkatapos ng usapan namin.
Tanga mo Yoshan. Nasira mo na ang papa-ayos pa lang. Talagang sinabi mo ang lahat? Napaka-walang hiya mo, sinaktan mo na naman. You suck Yoshan.
Gusto ko umiyak, gusto ko magwala. Unti na lang eh, nahuhulog na ako sa kanya eh pero gumawa pa ako ng hakbang na siguradong ikakasakit niya. Na pinagsisihan niya akong mahalin.
Ganun naman talaga diba? Kahit anong iwas natin, kahit anong limot natin, makakasakit at makakasakit talaga tayo.
Napabuntong hininga na lang ako at sinalubong si Shina ng isang malaking ngiti. Yung ngiting hindi niya mahahalatang may problema.
"Papa!" Tapos ay tumakbo siya papalapit sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Niyakap ko rin siya pabalik at hinalikan ang noo niya.
"O, kamusta school?" Tanong ko. Hindi niya dapat mahalata na nakagawa na naman ako ng bagay na nakasakit sa nanay niya.
"Ayun po, lagi akong nagtataas ng kamay pag nagtatanong yung teacher. Gustong-gusto ko po kasi marinig sa kanila yung 'oh, sino ang pwede sumagot dito maliban kay Shina' or 'wala na bang ibang kamay maliban kay Shina?' Natatawa po kasi ako sa mga teachers pag ganun." Sabay halakhak niya.
Medyo nahawa ako sa tawa niya kaya nakitawa narin ako. "Edi ano ginawa mo? Hindi ka ba nainis kasi di ka na tinatawag?"
Tumigil siya sa pagtawa at ngumisi sa akin. "Yun po yung technique papa para di ka matawag ng teacher?"
Medyo kumunot noo ko sa sinabi niya. "Paanong technique?"
"Ganito yan, pa." Sabay ubo-ubo pa niya. "Unang taas mo ng kamay, tatawagin ka po ng teacher. Pag tumaas ka uli ng kamay, pwede ka pa rin pong tawagin pero pag pangatlo na, hindi na po. Pag tinawag ka kasi nila uli sa pangatlong beses, iisipin po ng ibang nilang mga estudyante na ang bias naman. Tsaka uso po sa mga teachers ang kasabihang 'give chance to others'." Sabi niya habang nakataas pa ang noo.
"Aba, aba, ang talino mo ah." Sabay apir sa kanya. Hindi ko mapigilang humanga sa kanya tuwing nagsasalita siya ng ganito. Yung tipong hindi mo napapansin na mga bagay eh mapapansin niya at ginagawa niya pang advantage yun para sa kanya.
"Siyempre pa, mana sayo." At ginulo niya ang buhok ko kaya ginulo ko rin buhok niya.
Medyo nainis siya sa ginawa ko kaya dinalawang kamay niya ang nasa buhok ko at sinabunutan ako. Hindi naman ako nagpatalo at ginaya ang ginawa niya pero mas mahina syempre.
"Tama na" Natatawa kong sabi kasi medyo sumasakit na ang anit ko.
"Inumpisahan mo po eh, tapusin niyo." Sabay tawa niya ng malakas at umupo na sa tiyan ko.
Dahil hindi ko naman siya pwedeng sabunutan ng mas malakas, kiniliti ko na lang siya sa kili-kili niya kaya nagkakawag siya na parang inasinang uod at umalis sa pagkakahiga sa tiyan ko. Sumenyas siya ng taympers kaya natatawa kong tinigil yun.
"Pero pa" sabi niya ng tinigil namin ang paghaharutan. "Kaya ko iconnect yun sa love."
"Ang alin?"
"Yung technique about sa pagtaas ng kamay."
Medyo napakunot ako ng noo doon. Ano na naman pinagsasabi nito? "Hindi ko gets."
Ngumisi muna siya sa akin bago sumagot. "Napapansin ka po kasi nila kung sa una, nagpapansin ka. Edi pagbibigyan ka po nila. Magtaas ka uli ng kamay, tatawagin ka po nila ulit. Pero kung magtataas ka uli ng kamay, hindi ka na po nila pagbibigyan. Paulit-ulit kasi eh. Parang sa love po. Pag nanakit ka, pagbibigyan ka po nila uli, papatawarin. Pag nanakit ka uli, sige, papatawarin ka po nila uli. Pero pag umulit ka, hindi ka na nila po papansinin. Paulit-ulit na eh. Nakakasawa na silang pansinin. Kaya ingat ka pa, may kasabihan ang mga teachers ko kaya hindi na nila tinatawag ang mga paulit-ulit, give chance to others daw."
BINABASA MO ANG
Carrying The Prince's Child
RomanceOnce upon a time, I met a prince, literally. A prince that I loved and will be love. But, something happens kaya hindi ko masasabi ang 'and they live happily ever after' But one thing for sure, I'm carrying the Prince's child