"Ano?! Bilisan mo tatang, uugod-uugod ka na. Pag tayo natalo sisiguraduhin kong wala kang makakausap na Shaileen!" Sigaw ko habang nakapaligid ang kamay sa bibig para lumakas pa yung boses ko.
Nginitian naman ako ni Yoshan at kumaway pero nawala yun ng nasabuyan siya ng tubig sa mukha galing sa dagat kung saan sila kasalukuyang nag papaunahan sa pag-langoy. Napapadyak na lang ako sa buhangin dahil sa kashongahan niya.
Kasalukuyan kaming nag kakaroon ng palaro para sa retreat namin ngayon. At sa kasamaang palad eh pinagtulungan ako ng mga ka-churmates namin at sinali ako sa laro. Kung anu-ano pang pangongonsensya nila. Kesyo para daw sa church namin yun, kesyo dahil pastora ako dapat maging modelo ako maski sa laro namin at kung anu-ano pang kakesyohan.
Ang mechanics ng larong ito ay ang dapat na kasali ay isang babae at lalaki(magkakampi). Magpapaunahan na lumangoy ang mga lalaki sa dagat para makuha ang flag na nakasabit sa isang bangka at lalangoy pabalik para maibigay ito sa kapartner nitong babae. Pagkabigay ay tatakbo ang babae papunta sa lalagyan para ilagay ang flag.
Bigla akong nag-blush ng maalala ko ang twist sa larong ito. Kailangan ipasa ang flag sa pamamagitan ng bibig. At ang dahilan kung bakit ko manalo sa larong ito ay dahil sa parusa. Kailangan naming sundi ang kung anumang pumasok sa isip nila na dare.
Halos mapatalon ako dahil sa excitement na naramsaman ko ng mlapit ng makarating dito si Yoshan. Hindi ako excited dahil sa kis kung yan po ang ikakatahimik ng kaluluwa niyo.
"Wuhooooo!!! Go mama at papa!!" Bigla akong napalingon at nakita ko si Shina na nagtatalon habang may hawak ng sarili niyang hawak na banner. Napangiti naman ako ng maluwag dahil sa masaya siya ngayon.
Tumuro naman si Shina sa harapan ko. "Ayan na siya mama!" Sigaw pa niya kaya napatingin ako sa harapan at nakita ko nga na tumatakbo papalapit si Yoshan. Hindi ko ang pamulahan ng makita ko ang katawan niya. Ng makalapit na siya. Inumang niya ang flag na kagat-kagat niya kaya malapit na ang mukha niya ngayon. Napapikit na lang ako ng marinig ko ang hiyawan ng mga kasamahan namin. Dahil ayokong magsayang nng oras, kinagat ko na ang isa pang dulo ng flag at agad tumakbo sa lalagyanan.
I really do my best para manalo kami, kahit na kinakapos na ako ng hininga, tumakbo pa rin ako ng mabilis kaso hindi pa rin sapat yun.
Nakasimangot kong tinitignan ang ibang kasali sa laro.
Napapitlag naman ako ng may umakbay sa akin. "Di bagay kamo sa mukha mo ang sumimangot Shan" Natatawang sabi ni Yoshan at kinurot pa ang pisngi ko. Naiinis kong tinanggal ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko.
"Ikaw, ikaw ang may kasalanan kung bakit tayo natalo" Nakakunot noo kong sabi sa kanya habang dinuduro-duro siya.
Tinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko. "What? As far as I remember, I do my really best to win" Sabi niya habang iniiwasan ang tingin ko.
Mas lalong napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Really Yoshan? Oo mabilis kang lumangoy nung una pero simula nung may binulong sa iyo si Josh (Ka-churchmate) eh binagalan mo na" May diin kong sabi.
Bigla namang namula ang pisngi niya at tumalikod na. "U-una na ako, tinatawag na ako ni Shina" Sabi niya sabay takbo papasok ng tinutulugan namain.
"Mama!" Napalingon ako sa likod ng narinig ko si Shina.
Patalon niya akong niyakap at sinalo ko naman. "Mama, congrats sa inyo" Masaya niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"At bakit ka naman masaya? Shina, natalo kami." Sabi ko at hiniwalay ko na ang pagkakayakap niya.
Ngumiti naman siya ng matamis. "Minsan ma, akala mo talo ka pero hindi pala" Sabi niya.
"Edi ibig sabihin dinaya ako?" Sabi ko at napakamot na lang ng buhok..
BINABASA MO ANG
Carrying The Prince's Child
RomansOnce upon a time, I met a prince, literally. A prince that I loved and will be love. But, something happens kaya hindi ko masasabi ang 'and they live happily ever after' But one thing for sure, I'm carrying the Prince's child